Mamamayan, hinamon ng Obispo na labanan ang “online trolls”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total reads

May magagawa ang bawat mamamayan para sa matagal ng hinahangad na pagbabago ng lahat sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop-elect Broderick Pabillo kaugnay sa papalapit na halalan sa bansa.

Ayon sa Obispo na siya ring outgoing chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, maging sa mga simpleng pamamaraan ay mayroong maaaring magawa at maiaambag ang bawat isa para sa pagbabago ng lipunan.

Partikular na tinukoy ni Bishop Pabillo ang paggamit ng social media tulad na lamang ng Facebook sa pagbabahagi ng mga pananaw upang maisantabi ang anumang kasinungalingan na nais na palaganapin ng mga may sariling interes sa posisyon at katungkulan sa pamahalaan.

Iginiit ng Obispo na sa pamamagitan ng pagiging mapagbantay ay maaring malabanan ang pagkalat ng mga trolls na nagpapalaganap ng mga maling impormasyon.

“May magagawa ang bawat isa sa atin, at kung ang bawat isa ay kumilos, may pagbabagong mangyayari. Kung ang bawat isa ay magpost sa ating facebook ng ating pananaw, hindi tayo matatalo ng mga kasinungalingan ng mga trolls, kahit may mga troll farms pa sila. Kung ang bawat isa ay magsusuri nang maayos at bumoto nang maayos, may pag-asa tayo ngayong election kahit na may pera pa sila at may propaganda machinery.” pahayag ni Bishop Pabillo.

Kaugnay nito nagkaisa ang 12-senador sa pagnanais na maimbestigahan ang mga ulat ng paggamit ng pondo ng bayan para sa mga troll farms, hindi lamang para sa pagpapalaganap ng fake news kundi lalo’t higit para sa propaganda sa nakatakdang halalan.

Magugunitang nauna nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa paglaban sa pagkalat ng ‘fake news’ at online deception partikular na sa social media na maituturing na isang “sin against charity” dahil sa paglaganap ng mga maling impormasyon na nakapagdudulot ng maling persepsyon at desisyon sa mga mamamayan

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 456 total reads

 456 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,055 total reads

 5,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,114 total reads

 43,114 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,385 total reads

 269,385 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,850 total reads

 162,850 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,608 total reads

 256,608 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top