Ekonomiya ng Pilipinas hindi uunlad sa mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,056 total reads

Iginiit ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan na hindi pagmimina ang lulutas sa malaking pagkakautang ng bansa at muling bubuhay sa ekonomiya mula sa epekto ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ito ang panawagan ng Arsobispo kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa huling termino nito bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Archbishop Cabantan, outgoing chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities, nawa’y pag-isipang mabuti ng Administrasyong Duterte sa huling termino nito ang kaakibat na panganib ng pagmimina sa kalikasan at buhay ng mga tao, sa kabila ng pondong makukuha dito para sa economic recovery ng bansa.

“Itong mining of course, we really understand that we have a really big loss. Also, ang utang ngayon ay lumubog and maybe one of their solutions is also to open our mining. In fact, he has already said that in one of his executive orders, but I think it is just that without any regulations, it might create more destruction of life and to the environment,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cabantan sa panayam ng Radio Veritas.

Isa sa mga tinutukoy ng Arsobispo ay ang Tampakan Open Pit Mining sa South Cotabato na isa sa mga dahilan ng malawakang pagbaha matapos maganap ang pag-uulan na nagdulot naman ng matinding pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga nasa malalapit na komunidad.

Pagbabahagi ni Archbishop Cabantan, ang Diocese of Marbel na pinamumunuan ni Bishop Jose Allan Casicas ay mariing tinututulan ang Tampakan mining dahil sa masamang epektong maidudulot nito sa mga kagubatan at kabundukan ng Mindanao.

“Just for instance here in Mindanao, we have more mining areas here and one of the issues right now is in Tampakan, in the Diocese of Marbel with Bishop [Cerilo Allan Casicas].They are really objecting… because it can create a lot more damage, not only to the people but also to the environment,” ayon sa Arsobispo.

Samantala, wala namang naging direktang pahayag si Pangulong Duterte sa kanyang ikaanim at huling SONA hinggil sa usapin ng pagmimina sa bansa.

Ngunit hiniling naman ng pangulo na nawa ang mga susunod na mamumuno sa bansa ay mas maging epektibo at mayroong paninindigan upang maipagtanggol at maipatupad ang mga kaukulang batas para sa pangangalaga sa kalikasan.

“I pray that our next leaders and our future generations will not squander our natural resources and fight for the integrity of our environment, in a manner fiercer and more effective than my administration had ever done,” bahagi ng SONA ni Pangulong Duterte.

Matatandaang nitong Abril ng kasalukuyang taon ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 130, na nagpapahinto sa 9-year moratorium ng pagmimina sa bansa na pinangangambahang higit na magdudulot ng malawakang pinsala sa natural na yaman ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,461 total reads

 12,461 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,730 total reads

 49,730 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 276,000 total reads

 276,000 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,467 total reads

 169,467 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,880 total reads

 262,880 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,690 total reads

 150,690 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top