Pag-ibayuhin ang vaccine rollout, hamon ng LENTE sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Umapela ang Legal Network for Truthful Elections o LENTE sa pamahalaan na higit pang pag-ibayuhin ang Anti-COVID-19 vaccination roll-out program sa bansa bilang paghahanda na rin nalalapit na halalan sa susunod na taon.

Ito ang bahagi ng pahayag ng LENTE kasunod ng naging privileged speech ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri kaugnay sa resulta ng Pulse Asia’s Ulat ng Bayan survey kung saan lumabas na 46% ng mga botante ang maaring hindi makibahagi sa nakatakdang halalan dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, mahalagang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety health protocol lalo na sa nakatakdang halalan upang hindi isantabi ng bawat mamamayan ang kanilang natatanging karapatan at kapangyarihan ng maghalal ng mga opisyal ng bayan.

“Accelerated and more efficient vaccination roll-out and implementation of election health protocols can address the fear of voters contracting COVID-19 while participating in electoral activities. These can also bolster the assurance given to every citizen wanting to exercise their right to vote that it can be done without heightened risk to health.” pahayag ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos.

Ipinaliwanag ni Atty. Caritos na sa halip na isulong ang pagpapaliban ng nakatakdang halalan dahil sa banta ng COVID-19 ay mas dapat na tutukan ng pamahalaan ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng higit na pagpapaigting ng mga safety health protocol sa pagsasagawa ng halalan.

“LENTE believes that the discourse should be shifted from pitting safety and health against democracy to laying down strategies and plans for the purpose of conducting electoral activities with the least amount of risk of local transmission. We have time to plan, put rules in place, and implement measures.” Dagdag pa ni Atty. Caritos.

Partikular ding tinukoy ng LENTE ang naging ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng Commission on Election ng plebesito sa Palawan noong Marso ng kasalukuyang taong 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan 60% ang voter turn-out sa mga mamamayan na maaaring maging batayan ng mga dapat na ipatupad na safety health protocol sa nakatakdang halalan.

“COMELEC conducted an electoral exercise last March 2021 during the Palawan Plebiscite. During the plebiscite, safety protocols were implemented and all stakeholders were mandated to comply. The 60% voter turn-out for this plebiscite exceeded the Commission’s projections.” Ayon pa kay Atty. Caritos.

Iginiit ng LENTE na may sapat pang panahon ang COMELEC at ang pamahalaan upang matugunan ang pangamba ng taumbayan sa pakikibahagi sa nakatakdang halalan maging sa gitna ng panahon ng pandemya.

Binigyang diin naman ni Atty. Caritos na hindi lamang tungkulin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng lahat mula sa patuloy na banta ng COVID-19 virus.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 111,132 total reads

 111,132 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 249,089 total reads

 249,089 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,865 total reads

 364,865 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,846 total reads

 480,846 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top