Public Masses, sinuspinde ng Diocese of Pasig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 854 total reads

Pansamantalang sinuspinde ng Diocese of Pasig ang pagsasagawa ng public Masses sa lahat ng mga parokya at kapilya sa Diyosesis.

Magsisimula ang suspensyon ng pagsasagawa ng pampublikong Banal na Misa sa Diocese of Pasig mula ika-31 ng Hulyo hanggang ika-20 ng Agosto batay na rin sa kautusan ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara kung saan ang lahat ng Misa ay maaaring daluhan sa pamamagitan ng online livestreaming sa Roman Catholic Diocese of Pasig Facebook page.

Ang anunsyo ng Diyosesis ay bilang tugon na rin sa pagpapatupad ng mas mahigpit na mga pag-iingat mula sa pinangangambahang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 virus sa bansa.

Una ng inanunsyo ng Malacañang ang muling pagsasailalim sa National Capital Region sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) bilang pag-iingat mula sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Magsisimula ang muling implementasyon ng ECQ sa NCR sa ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto kung saan kasalukuyan ay umiiral ang General Community Quarantine with heightened restrictions sa National Capital Region mula ngayong ika-30 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto.

Bukod sa pansamantalang pagsasagawa ng mga religious activities sa pamamagitan ng virtual o online streaming upang maiwasan ang social gathering ay lilimitahan lamang din ang maaaring makibahagi sa pagsasagawa ng mga necrological services at funeral sa pamilya ng pumanaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,528 total reads

 26,528 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,908 total reads

 62,908 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 289,178 total reads

 289,178 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,645 total reads

 182,645 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 275,278 total reads

 275,278 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top