Pampublikong misa sa Diocese of Novaliches, suspendido

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,478 total views

Tiniyak ng Diocese of Novaliches ang pakikibahagi ng diyosesis sa ipinatutupad na pag-iingat ng pamahalaan mula sa pinangangambahang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 virus sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang liham sirkular ay inanunsyo ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pansamantalang pagsususpendi ng pagsasagawa ng public masses sa buong diyosesis mula ika-31 ng Hulyo hanggang ika-20 ng Agosto.

Nasasaad sa Circular 2021-09 ang pagsasagawa ng virtual masses sa buong diyosesis kung saan hinihikayat ang lahat na makibahagi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Online Livestreaming ng mga banal na misa ng iba’t ibang mga parokya sa diyosesis.

Ayon kay Bishop Gaa, ang naturang hakbang ay bilang tugon na rin sa implementasyon ng General Community Quarantine with heightened restrictions sa National Capital Region mula ngayong ika-30 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto na mas higit namang hihigpitan pa sa pagsasailalim sa NCR sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto bilang pag-iingat mula sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Bukod sa pagsusupendi ng public masses sa buong diyosesis, inihayag rin ni Bishop Gaa ang pansamantalang pagpapaliban sa nakatakdang Diocesesan Clergy Renewal at Chrism Mass sa diyosesis na nakatakda sana sa ika-3 at ika-4 ng Agosto.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat mananampalataya na samantalahin ang dalawang linggong implementasyon ng ECQ sa National Capital Region upang manalangin at magdasal ng Santo Rosaryo para sa kaligtasan ng lahat at upang tuluyan ng mawakasan ang COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 92,082 total views

 92,082 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 122,305 total views

 122,305 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 148,954 total views

 148,954 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 243,927 total views

 243,927 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 258,905 total views

 258,905 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top