Kapanalig, inaanyayahang makiisa sa online Masses sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 716 total reads

Kasunod nang pagpapairal ng ‘two week lockdown’, hinihikayat ng pamunuan ng Radio Veritas ang Kapanalig Community at mananampalataya sa Metro Manila na makiisa at makibahagi sa online Masses ng himpilan.

Ito ay kaugnay na rin sa umiiral na mahigpit na community quarantine sa buong National Capital Region at ilang mga lalawigan dahil na rin sa patuloy na banta ng pandemya.

Sa ilalim ng ipatutupad na Enhanced Community Quarantine, kabilang sa hindi pinahihintulutan ng Inter-Agency Task Force ang pagdaraos ng pampublikong Misa sa mga parokya at iba pang mga banal na pagdiriwang o mass gathering upang makaiwas sa higit pang paglaganap ng Covid-19 lalu na ang mas mapanganib na Delta Variant.

Ayon kay Renee Charice Jose, Head ng Religious Deparment, mapapanood at mapapakinggan ang mga Misa araw-araw sa himpilan at sa official Youtube channel at Facebook page na Veritas846.ph.

“Tayo po sa Radio Veritas ay tuloy ang pag-broadcast ng Misa, 6:00 AM, 12:00 NN and 6:00 PM at ngayon po ay may 12:00 midnight na tayo. Sa panahon ngayon, mas marami ang nag-aalala, nangangamba at mas nalulumbay ang karamihan, lalu na ang mga namumuhay mag-isa dahil sa pagpapatupad ng ECQ. Hindi makalabas, you feel isolated, alone eh may kasama ka kada 6-hours sa Misa natin sa Veritas,” ayon kay Jose.

Apat na Misa kada araw ang maaring mapakinggan at mapanood simula alas-6 ng umaga; alas-12 ng tanghali; alas-6 ng gabi at alas-12 ng hatinggabi sa programang Healing Touch on-the-air.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,844 total reads

 14,844 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,842 total reads

 15,842 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,800 total reads

 31,800 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,177 total reads

 69,177 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,446 total reads

 100,446 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,680 total reads

 175,680 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,364 total reads

 268,364 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,843 total reads

 15,843 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top