Archdiocese of Jaro, nakaagapay sa pangangailangan ng mga apektado ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total views

Magpapatuloy ang Archdiocese of Jaro sa lalawigan ng Iloilo na tulungan ang mga mahihirap sa kabila ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measure.

Ito ang tiniyak ni Msgr. Meliton Oso, Social Action Director ng Arkidiyosesis matapos makatanggap ng tulong mula sa Caritas Manila para sa may 2,000 mahihirap na pamilya sa lalawigan ng Iloilo at Guimaras island.

Aminado si Msgr. Oso na malaking tulong ang proyekto ng Caritas Manila katuwang ang pribadong kumpanya na Accenture Philippines upang maka-agapay sa mga mahihirap sa gitna ng suliranin sa pandemya.

“Lahat lahat po ng binigay sa amin ay mga 2000 [pieces] at malaking tulong po ito sa mga mahihirap sa Archdiocese of Jaro compose of the province of Guimaras and the province of Iloilo. We are very thankful for Caritas Manila for extending to us this kindness.”pahayag ni Msgr. Oso sa panayam ng programang Caritas in Action.

Maliban sa paghahatid ng mga groceries sa mga mahihirap ay nagpapatuloy din ang Caritas kindness program ng Arkidiyosesis.

Ang Caritas kindness station ay tulad din ng pagsasagawa ng community pantry sa paraan na ayon sa katuruan ng Simbahang Katolika.

“Talagang ganyan ang sitwasyon ng mga mahihirap at nagugutom kaya binibigay na namin ng maaga yun mga ticket, uwi muna kayo punta na lang kayo pagbukas namin at ina-identify namin barangay per barangay para hindi palaging suki ang dumadating” dagdag pa ng Director ng Social Action Center ng Archdiocese of Jaro.

Naniniwala si Msgr. Oso na ang pagkilos ng Simbahan para sa mga mahihirap ay pagpapamalas lamang na kahit sila mismo ay nakakaranas din ng mga suliranin dulot ng pandemya ay hindi nito nakakalimutan ang mga nangangailangan.

“Ginagawa natin yan kahit tayo ay naghihikahos, at magiging maganda yun solidarity natin, ang pagpapakita, ang pagsasabuhay natin ng Caritas. Itong charity kahit na tayo nangangailangan we continue to extend compassion to our brothers and sister who need more.”

28 Diyosesis sa Pilipinas ang naging katuwang ng Caritas Manila upang mamahagi ng mga gift certificates sa mga tinuturing na “ultra poor families” o yun kumikita lamang ng mas mababa pa sa 10 libong piso kada buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 35,314 total views

 35,313 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 159,725 total views

 159,724 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 202,426 total views

 202,426 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 281,225 total views

 281,225 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 79,066 total views

 79,066 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top