Makakadalo ng pisikal sa mga simbahan, nilimitahan ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Nilimitahan ng Archdiocese of Cebu ang bilang ng mananampalataya na makadadalo ng pisikal sa mga simbahan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa lalawigan.

Sa abiso na inilabas ng arkidiyosesis binigyang diin nito ang pagsunod sa alituntuning ipinatutupad bilang pag-iingat at pakikiisa sa kampanyang labanan ang pagdami ng kaso ng mga nahawaan.

“Due to the continuing rise of CoVid cases in Cebu City and on the threat posed by the deadly Delta variant, please be informed that effective today, August 11, 2021, we only limit our religious gatherings at 10% of our respective churches’ capacity,” bahagi ng pahayag ng arkidiyosesis.

Paalala nito sa mga parokya na mahigpit ipatupad ang safety health protocol sa mga dadalo ng misa upang maiwasan ang pagkahawa.

Ipinagbabawal din ng arkidiyosesis ang pagsagawa ng banal na misa sa mga kapilya habang nililimitahan naman sa immediate family members ang makadadalo sa funeral masses.

Sa tala ng Department of Health Central Visayas noong Agosto 10 umabot sa 331 ang nahawaan sa Cebu City dahilan upang makamit ang kabuuang 3, 813 cases habang ang Cebu province naman ay nakapagtala ng 280 bagong kaso kaya’t umabot na sa 4, 487 ang kabuuang kaso ng mga nahawaan sa lalawigan.

Tiniyak ng arkidiyosesis ang pakikiisa sa kampanyang labanan ang pandemya sa pamamagitan ng pagsunod at paghimok sa mamamayan na maging bahagi ng solusyon sa naranasang krisis pangkalusugan.

“We can always be part of the continuing Information, Education and Communication efforts by impowering our lay leaders to be involved in educating the faithful on the seriousness of the pandemic threat as well as on encouraging everyone to do their share in keeping the community safe and sound,” dagdag pa ng archdiocese.

Sa mga parokya naman ng Cebu province sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ay maaring ipatupad ang 10 hanggang 30 poryentong kapasidad batay sa alintuntunin ng lokal na pamahalaan.

Hinimok ng akidiyosesis ang bawat mananampalataya na magkaisang manalangin at lumuhog sa Diyos upang mawakasan na ang krisis na dulot ng COVID-19.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,945 total reads

 14,945 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,458 total reads

 73,458 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,825 total reads

 158,825 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,561 total reads

 205,561 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,432 total reads

 253,432 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,806 total reads

 353,806 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top