Bishop Cuevas, itinalaga ni Pope Francis na administrator ng Archdiocese of Zamboanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 911 total views

Ipinagkatiwala ng Kanyang Kabanalan Francisco kay Bishop Moises Cuevas ang pangangasiwa sa Arkidiyosesis ng Zamboanga habang nagpapagaling sa karamdaman si Archbishop Romulo dela Cruz.

Sa panayam ng Radio Veritas, ibinahagi ni Bishop Cuevas na may sakit ang Arsobispo mula pa noong Hulyo 25.

Dahil dito, itinalaga si Bishop Cuevas ng Santo Papa na tagapangasiwa ng Arkidiyosesis mula Agosto 11 kung saan gagampanan nito ang mga tungkuling saklaw ng diocesan bishop.

Hiling naman ng Obispo sa mananampalataya na ipanalangin ang kagyat na paggaling ni Archbishop dela Cruz gayundin ang kanyang pamumuno bilang administrator ng Arkidiyosesis.

Si Bishop Cuevas na dating tagapamahala ng Zamboanga Cathedral ay itinalaga ni Pope Francis bilang katuwang na obispo ng Arkidiyosesis noong Marso 2020.

Inordinahang obispo noong Agosto 24, 2020 sa pangunguna ni Archbishop dela Cruz kasama sina Ipil Bishop Julius Tonel at Ozamis Archbishop Martin Jumoad.

Ang Arkidiyosesis ay may mahigit sa 600, 000 katoliko o 72 porsyento sa kabuuang halos isang milyong populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 87,408 total views

 87,408 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 117,631 total views

 117,631 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 144,280 total views

 144,280 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 239,253 total views

 239,253 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 254,503 total views

 254,503 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top