Buwan ng Agosto, idineklarang Jubilee Month for the Clergy ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,105 total reads

Inilaan ng Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna ang buwan ng Agosto bilang Jubilee Month for the Clergy sa diyosesis.

Ayon kay Rev. Fr. Mario Rivera, Director ng Commission for the Clergy ng Diocese of San Pablo, bilang bahagi ng patuloy na lokal na pagdiriwang ng diyosesis ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas ay inilaan ng diyosesis ang buwan ng Agosto upang kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Pari sa pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Ipinaliwanag ng Pari na isa rin itong pagkakataon upang makilala ng bawat mananampalataya ang mga Pari na naglilingkod sa bayan ng Diyos sa Diyosesis ng San Pablo.

“Ang ating mga Pari ang siyang nangunguna sa pagpapalaganap ng ating pananampalatayang Katoliko kaya naman ang pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo, itinalaga po ang buwan ng Agosto bilang Jubilee Month for the Clergy, sama-sama nating kilalaning lubos ang mga Pari na naglilingkod sa bayan ng Diyos dito sa ating Diyosesis ng San Pablo.”pahayag ni Fr. Rivera.

Pagbabahagi ni Fr. Rivera, itatampok sa official Facebook Page ng paggunita ng diyosesis sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na 500 Years of Christianity – Diocese of San Pablo ang larawan ng Pari, detalye tulad ng araw ng kanilang kapanganakan, lugar na pinanggalingan at araw ng ordinasyon.

Magsisilbi namang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Clergy ng Diocese of San Pablo ang pagbibigay parangal sa mga magulang ng mga Pari, bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo na ipagkaloob ang kanilang mga anak upang paglingkuran ang bayan ng Diyos.

“Ang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Clergy ay bibigyang parangal ang mga magulang ng ating mga Pari upang kilalanin ang kanilang sakripisyo na ibigay ang kanilang mga anak sa Diyos upang paglingkuran ang bayan niya. Ang bawat magulang ay makakatanggap ng certificate mula sa ating diyosesis kasama ang 500 YOC Commemorative Medal.” Dagdag pa ni Fr. Rivera.

Samantala, bilang bahagi ng paggunita ng Jubilee Month for the Clergy sa diyosesis ay inaanyayahan ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang bawat mananampalataya sa Diocesan Virtual Concert Series #VocationStories na handog ng mga Pari ng diyosesis na may titulong ‘Konsyerto sa Ikalimang Siglo: Awit Pasasalamat ng Pari ni Kristo’ na masusubaybayan tuwing Sabado sa buong buwan ng Agosto ganap na alas-otso ng gabi na nagsimula noong ika-7 ng Agosto.

Bukod sa talento sa pag-awit ng mga Pari mula sa apat na distrito ng Diyosesis ng San Pablo, tampok rin sa Diocesan Virtual Concert Series ang mga kwento ng buhay at bokasyon ng mga Pari ng diyosesis.

ang lahat ng malilikom na donasyon ay ilalaan naman para health at hospitalization fund ng mga Pari ng Diyosesis ng San Pablo.

“Sa pagpapatuloy po ng ating pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo dito sa ating bansa ang buwan po ng Agosto ay inilaan natin para sa ating mga kaparian, sa kanila pong paglilingkod sa atin na binubuo ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagdiriwang ng mga sakramento, pamamalakad ng Simbahan kasama na po yung iba’t ibang programa at ng kawang gawa ay magkakaroon po ng tinatawag na Diocesan Virtual Concert #VocationStories.” paanyaya ni Bishop Famadico.

Una ng inihayag ng Obispo na siya ring outgoing Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Clergy ang mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga lingkod ng Simbahan sa pagpapatuloy ng misyon ni Hesus na ibahagi at palaganapin ang Mabuting Balita ng Diyos.

Matatandaang una ng inilaan ng Diyosesis ng San Pablo ang buwan ng Hunyo bilang Jubilee Month for Religious Men and Women sa diyosesis habang noong buwan naman ng Hulyo ay idineklara ang Jubilee Month for the Elderly sa diyosesis.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,261 total reads

 3,261 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,039 total reads

 10,039 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,463 total reads

 47,463 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 273,733 total reads

 273,733 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,200 total reads

 167,200 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 260,734 total reads

 260,734 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top