500 bata, ginawaran ng sakramento ng binyag ni Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 922 total reads

Pinangunahan ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagpapatuloy ng Diocesan Baptism of 500 Children sa diyosesis.

Ayon sa Obispo ang pagbibinyag ng 125 mga bata mua sa ikalawang bikaryato ng diyosesis gawain ay bahagi ng patuloy na pangkalahatang selebrasyon ng buong Pilipinas sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatang Kristiyano sa bansa.

Inihayag ni Bishop Bagaforo na ang pagtanggap sa sakramento ng binyag ay isang paalala sa malalim at mayabong na pananampalataya ng mga Filipino na nagsimula sa pagbibinyag na pinangunahan ni Haring Humabon at ng kanyang asawa na si Reyna Juana.

“Ang ating ginagawa ngayon ay bahagi ng pangkalahatang selebrasyon sa buong Pilipinas ng 500 years of Christianity, sapagkat kung natatandaan ninyo 500 years ago dumating sa Pilipinas ang ating pananampalataya. Una ay nagkaroon ng misa at pagkatapos ay ang pangkalahatang pagbibinyag na pinangunahan ni Haring Humabon at ng kanyang asawa na binigyan ng pangalan na Juana.” pagninilay ni Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ng Obispo, bahagi ng pag-alala at pagdiriwang sa patuloy na biyaya ng pananampalatayang Kristiyano na tinanggap ng mga Pilipino 500-taon na ang nakakalipas ang hamon sa buong Simbahang Katolika na patuloy pang mapalalim at maibahagi ang Kristiyanismo at ang Salita ng Diyos sa mas nakararami.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ito ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga binyagan na maipalaganap ang pananampalatayang tinanggap at ang kaharian ng Diyos sa sanlibutan.

“Dahil sa biyaya ng pananampalatayang ibinigay sa ating 500 years ago tayo ngayon ay nagdiriwang at nagpapasalamat kaya sa lahat ng mga Simbahan sa buong Pilipinas, mga diyosesis katulad natin dito sa Kidapawan, hinihikayat tayo na kung maari ay ating gawin ang nangyari noong 500 years ago.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang una ng ibinahagi ng Obispo ang pagbibinyag ng diyosesis ng 500 mga bata bilang paggunita sa 500 Years of Christianity ng Pilipinas kung saan hinati sa tig-125 ang pagbibinyag sa mga kabataan mula sa apat na bikaryatong bumubuo sa Diyosesis ng Kidapawan na mayroong 18 mga parokya.

Sa datos naman ng Statistical Yearbook of the Church ng Vatican pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming binibinyagan o katumbas sa humigit kumulang 1.6 milyong mga bata edad pitong taong gulang pababa noong 2019, bukod dito ikatlo rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming binyagang katoliko sa 89-milyon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 458 total reads

 458 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,059 total reads

 5,059 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,118 total reads

 43,118 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,389 total reads

 269,389 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,854 total reads

 162,854 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,612 total reads

 256,612 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top