Diocese of San Pablo, tatalima sa panuntunan sa pagsasagawa ng religious activities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 762 total views

Patuloy na susundin ng Diocese ng San Pablo, Laguna ang 10-percent seating capacity para sa pagsasagawa ng religious activities ngayong isasailalim na muli sa Modified Enhanced Community Quarantine ang lalawigan simula mamayang hatinggabi.

Ayon kay Msgr. Jerry Bitoon, rektor at kura paroko ng Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit, kailangang mahigpit na sundin ng Diyosesis ang panuntunan ng pamahalaang lungsod ng San Pablo upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananampalataya sa banta ng Delta variant ng COVID 19.

“Katulad din ng previous MECQ, we’ll be observing ‘yung 10 percent capacity ng simbahan. Although of course, binibigyan naman ng option ang mga [local government unit] kung humingi ang simbahan na maging 30 percent… Whatever is being implemented ng LGU, we have to be compliant. So, hindi kami lumalampas doon,” ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam ng Radio Veritas.

Maliban naman sa mahigpit na panuntunan sa publiko hinggil sa pagsusuot ng facemask at faceshield, patuloy ring sinusunod sa buong Diyosesis ang iba pang minimum health protocols sa loob ng mga simbahan upang maiwasan ang COVID-19 transmission sa pagsasagawa ng mga religious activities.

“Yes, patuloy ‘yung observance namin ng mga social distancing sa loob ng simbahan plus ‘yung mga may screening, thermal scanning [at] mayroong alcohol. So, all these things are being observed,” saad ni Msgr. Bitoon.

Batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, muling isinailalim sa MECQ ang lalawigan ng Laguna, simula Agosto 16 hanggang 31.

Ito’y matapos na isailalim ang lalawigan sa isang linggong ECQ upang makatulong na mabawasan ang pagtaas ng kaso ng mga nahahawaan ng COVID-19 at Delta variant.

Kaugnay nito, mananatili pa rin sa ilalim ng MECQ ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal, maging ang Lucena City, habang General Community Quarantine with heightened restrictions naman ang ipapatupad sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon hanggang Agosto 31.

Ayon sa huling ulat ng DOH-CALABARZON, naitala sa buong rehiyon ang 18,836 na kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, ang Laguna ang pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso sa rehiyon na umabot sa 5,739, habang nangunguna naman ang Cavite na mayroong aktibong kaso na umabot na sa 7,314.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 55,821 total views

 55,821 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 99,429 total views

 99,429 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 182,702 total views

 182,702 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 195,651 total views

 195,651 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top