Sangguniang Laiko ng Pilipinas, tiniyak ang suporta at panalangin kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 837 total views

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang patuloy na suporta at pananalangin para sa bagong misyon ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na matagal na nagsilbing chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.

Ito ang bahagi ng pagbati ni Bro. Rouquel Ponte – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas kaugnay sa opisyal na pagtatalaga kay Bishop Pabillo bilang bagong pinunong pastol ng bikaryato.

Ayon kay Ponte, makakaasa ang Obispo sa patuloy na suporta at pananalangin ng mga layko para sa ikatatagumpay ng kanyang bagong tungkulin bilang misyunerong Obispo sa Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

We will always assure him that we will always support him in his new role as a missionary bishop to the [Apostolic] Vicariate of Taytay, yun lang po and my prayers will always be for him and the success of his mission, God bless Bishop.” pahayag ni Ponte sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ni Ponte, mapalad ang mga mananampalataya ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan sa pagkakaroon ng isang mabuti, mapagmahal at mapag-arugang Obispo sa katauhan ni Bishop Pabillo.

Sinabi ni Ponte na nasaksihan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na siyang implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang hindi matawarang katangian ng pagiging isang mabuting pastol ng Obispo na tuwinang ginagabayan ang bawat isa sa tamang direksyon patungo sa kabanalan sa piling ng Panginoon.

“My dear brothers and sisters in the [Apostolic] Vicariate of Taytay you are very very fortunate to have a very kind and loving bishop, he [Bishop Pabillo] is really a good shepherd and look to him and he will guide you in the right path and he will be a blessing to all of you and your families, may God bless all of you.” Dagdag pa ni Ponte.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan ay may 22 mga parokya kung saan magsisilbing katuwang ni Bishop Pabillo sa pangangasiwa at paggabay sa buhay espiritwal ng mahigit sa 390-libong mananampalatayang Katoliko ang 37 mga Pari sa bikaryato.

Nakatakda ang installation ni Bishop Pabillo bilang pinunong pastol ng Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan sa ika-19 ng Agosto sa St. Joseph Cathedral ganap na alas- nuwebe ng umaga na matutunghayan sa Radyo Veritas Ph Facebook page at mapakikinggan sa Radio Veritas 846.

Pangungunahan ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatalaga kay Bishop Broderick Pabillo matapos na magkaroon ng pagbabago dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region dahilan upang hindi makadalo sa nakatakdang installation sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 47,466 total views

 47,466 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 91,074 total views

 91,074 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 174,611 total views

 174,611 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 188,238 total views

 188,238 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top