Diocese of Novaliches, pina-igting pa ang pagtulong sa mga nahihirapan sa COVID 19 crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Patuloy na nagiging aktibo ang Caritas Novaliches sa pagsasagawa ng mga pagkilos upang makatulong sa mga mahihirap ngayon panahon ng pandemya.

Ito ang ginarantiya ni Rev. Fr. Joseh Buslon, Director ng Caritas Novaliches kaugnay sa kanilang agresibong pagsisikap na makapaghatid ng ayuda sa mga mamamayan sa nasasakupan ng kanilang diyosesis.

Ayon kay Fr. Buslon, ngayon mas higit na kailangan ng mahihirap ang bawat isa partikular na ng tulong mula sa Simbahan kaya’t hindi tumitigil ang kanilang tanggapan sa pamamahagi ng tulong katuwang ang iba pang organisasyon ng Simbahang katolika at mga pribadong sektor.

“Mahalaga ang mga tulong na ipinararating at inihahatid ng Simbahan sa mga kapatid nating kapos at naghihikahos sapagkat mula sa mga tulong na iyon ay naka susumpong sila ng liwanag at pag-asa na hatid ni Kristo at tayo bilang kapwa ang kanyang instrumento.” Mensahe ni Fr. Buslon sa Radyo Veritas.

Umaasa si Fr. Buslon na ang kanilang mga pagkilos ay magsisilbi din inspirasyon para sa mga nakakaranas ng krisis at magsisilbi naman itong oportunidad para sa iba upang makatulong.

“You can give without loving, but you cannot love without giving. “Magmahal ng lubos, magbigay ng taos, maglingkod ng hindi kapos, ibahagi ang sarili kahit lakas ay maubos ang Diyos na ang bahala sa lahat pagkatapos.” Dagdag pa ni Fr. Buslon.

Kaugnay nito, isang online telethon ang isasagawa ng Diocese of Novaliches sa ika-21 ng Agosto mula ika-pito ng umaga hanggang ika-7 ng gabi.

Layunin ng nasabing telethon na makalikom ng pondo para ibahagi sa mga mahihirap na lalong naapektuhan ng pandemya ang kanilang mga pamumuhay.

Ilan sa mga inaasahang makikibahagi sa “Online Telethon” ng Diocese of Novaliches ay sina Manila Archbishop Emeritus at Caritas Internationalis President Luis Antonio Cardinal Tagle, Bro. Bo Sanchez at Rev. Fr. Jerry Orbos SVD kasama ang iba pang mga kaparian sa Diyosesis at mga lingkod ng Simbahan.

Tinatayang nasa 33 Parokya na sa Diyosesis ang nahatiran ng may 700 sako ng bigas ng Caritas Novaliches maliban pa sa patuloy na pamimigay ng mga food packs, gulay, at mga gift certificates.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,953 total reads

 12,953 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,208 total reads

 50,208 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 276,478 total reads

 276,478 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,945 total reads

 169,945 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,341 total reads

 263,341 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,875 total reads

 110,875 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top