Laganap na kagutuman at kaguluhan, ikinababahala ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 927 total reads

Nababahala ang opisyal ng Vatican sa paglaganap ng labis na kagutuman sa iba’t ibang bahaging daigdig.

Ayon kay Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at Presidente ng Caritas International, hindi dapat kalimutan ang mapanganib na virus ng pagkagutom at kahirapan na naging mas malala dahil sa coronavirus pandemic.

“Bago pa ang COVID-19 pandemic may virus na kalat at nararanasan sa buong mundo: hunger and poverty.
Masasabing kasing grabe o mas grabe kaysa sa COVID-19 virus ang hunger at poverty na laganap sa mundo; nakakalungkot lang na halos napabayaan ito. Kasama dapat ito sa pagtutok sa pandemic,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Tinukoy din ni Cardinal Tagle na nakadagdag sa krisis ng kagutuman ang kaguluhan sa ibat-ibang bansa.

“Nadagdag pa ang kaguluhan sa Ibang bansa tulad ng Afghanistan, Myanmar, Lebanon at lindol sa Haiti” pahayag ni Cardinal Tagle

Batay sa tala ng United Nations food agencies umaabot sa 690-milyong katao o katumbas sa 8.9 porsyento sa kabuuang populasyon ng daigdig ang natutulog sa gabi na gutom mula pa noong 2014.

Sa taya naman ng World Bank inaasahang aabot sa halos 150 milyong katao sa buong mundo ang makaranas ng extreme poverty ngayong 2021 dahil sa labis na epekto ng pandemya sa kabuhayan ng maraming mamamayan.

Dahil dito tiniyak ni Cardinal Tagle na siyang pangulo ng Caritas Internationalis, ang social arm ng simbahang katolika ang patuloy na pagkilos upang tulungan ang mamamayan na nakararanas ng labis na kagutuman.

Naglunsad ng iba’t ibang programa ang mga social arm ng simbahan sa buong daigdig na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan partikular na ang mga nasasalanta ng mga kalamidad, biktima ng karahasan at iba pang suliranin.

Sa Pilipinas naitala ang 4.2 milyong pamilya ang nagugutom noong Mayo sa isinagawang pag-aaralng Social Weather Station kasunod ng pagpatupad ng mahigpit na community quarantine noong Abril.

Dahil dito tuloy-tuloy ang Caritas Manila ng Archdiocese of Manila sa pamamahagi ng mga gift certificates na nagkakahalaga ng isanlibong piso sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila at iba pang lalawigan ng bansa bilang tulong sa naapektuhan ng pandemya.

Bukod pa rito ang pagtugon na ginagawa ng Caritas Philippines at mga social action centers ng bawat parokya.

Hamon ni Cardinal Tagle sa bawat mamamayan lalo na ang mga nakaluluwag sa buhay na makiisa sa pagtugon at paglingap sa pangangailangan ng kapwa upang maibsan ang hirap na naranasan, na naging malala dahil sa pandemic.

Nanawagan din ang Kardinal na Ingatan natin ang kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,409 total reads

 13,409 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,550 total reads

 14,550 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,686 total reads

 29,686 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,063 total reads

 67,063 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,333 total reads

 98,333 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,687 total reads

 173,687 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,474 total reads

 266,474 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,411 total reads

 13,411 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top