Railroading ng divorce bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kinondena ng CBCP-ECL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Kinundina ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa Absolute Divorce Bill na inaasahan ring ipapasa sa plenary meeting ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na siyang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakababahala ang ginagawang hakbang ng mga mambabatas na sa halip na palakasin pa ang pundasyon ng pamilya ay nais pa itong na pahinain at buwagin sa pamamagitan ng divorce law sa bansa.

“Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and Family Relations sa Lower House ay umaproba ng Absolute Divorce Bill at ito ay ipapasa na nila sa plenary meeting ng House of Representatives. Ito ay nakababahala kasi sa halip na palakasin ang pamilya ayon sa ating Saligang Batas, ang divorce ay nagpapahina sa pamilya. Ito ay napapatunayan na sa lahat ng mga bansa na may absolute divorce,” pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang Misa sa Katedral ni San Jose Manggagawa sa bikaryato.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang sakramento ng kasal ay hindi lamang isang malalim na tanda o kahulugan ng pagsasama ng mag-asawa sa halip ay nagbibihay ng katangi-tanging grasya o biyaya ng Diyos upang magampanan ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa pamilya.

Iginiit ni Bishop Pabillo na bagamat sadyang hindi madali at may ilang pagsubok na kahaharapin ang mag-asawa ay hindi naman imposible ang manatiling tapat at magsama hanggang sa kamatayan.

“Ang sakramento ay hindi lang tanda ng isang malalim na kahulugan. Ang sakramento ay nagbibigay ng grasya upang ang kanyang tinatanda ay matupad. Kaya ang ikinakasal sa simbahan ay may katangi-tanging grasya na binibigay ng Diyos sa mag-asawa upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa pamilya. Totoong mahirap ang buhay ng mag-asawa. Mahirap magsama hanggang kamatayan. Mahirap, pero hindi imposible, at ito ay napapatunayan ng maraming mga may-asawa. Mas maraming mga may-asawa na nananatiling tapat kaysa mga naghihiwalay. Ito ay makakayanan kasi may Diyos na nakataya sa kanilang pag-iisang dibdib at tinutulungan sila,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Unang ikinadismaya ng CBCP – National Appellate Matrimonial Tribunal ang patuloy na pagsusulong ng mga mambabatas na maisabatas ang divorce sa Pilipinas.

Iginiit ng CBCP na hindi solusyon ang paghihiwalay o diborsyo sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa halip ay siyang magpapahina sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,405 total reads

 18,405 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,119 total reads

 19,119 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,578 total reads

 36,578 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 73,956 total reads

 73,956 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,224 total reads

 105,224 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,185 total reads

 180,185 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,588 total reads

 272,588 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,712 total reads

 26,712 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top