Tulungan ang mga biktima ng lindol sa Haiti, economic crisis sa Lebanon at kaguluhan sa Afghanistan, panawagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total views

Ipinapanalangin ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples ang pagiging bukas sa puso ng bawat mamamayan na lingapin ang higit nangngailangan sa pamayanan.

Ito ang bahagi ng panalangin ng Cardinal hinggil sa iba’t ibang uri ng suliranin na naranasan ng buong daigdig kasabay ng patuloy na paglaganap ng coronavirus pandemic.

Umaasa ang opisyal na sa tulong ng Panginoon ay magtulungan ang bawat isa na itaguyod ang kapakanan lalo na ng mga dukha.

“Kumakatok po kami sa Iyong puso upang yakapin po ninyo lalo na ang mga walang maasahan kundi kayo; pukawin po ninyo ang puso ng lahat ng tao sa buong mundo lalo na po ang mayroong kakayahan na gumawa ng pagkakaiba sa yugtong ito ng kasaysayan, maging pangunahin nawang preokupasyon ang dignidad at ang buhay ng mga maliliit at ang mas dukha sa aming lipunan,” bahagi ng panalangin ni Cardinal Tagle.

Tinukoy ng Cardinal ang krisis na dinaranas ng mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Haiti na kumitil sa mahigit dalawang libong buhay at puminsala sa daang libong bahay at ari-arian noong Agosto 14.

Ang lumalalang krisis sa Lebanon dahil sa pagbagsak ng ekonomiya mula ng wakasan ang subsidised fuel imports sa bansa.

Bukod pa rito ang kaguluhan sa Afghanistan dahil sa pagpapalit ng uri ng gobyerno nang tuluyang masakop ng Taliban forces ang sentro ng bansa at paglisan ng American forces at mga opisyal ng gobyerno sa naturang lugar.

Naniniwala si Cardinal Tagle na mapagtagumpayan ng bawat mamamayan ang krisis na hinaharap sa sama-samang pananalangin at pagtutulungan ng bawat isa upang makaahon sa kahirapan.

Una nang tiniyak ng opisyal ang pagkilos ng simbahang katolika sa pangunguna ng Caritas Internationalis na pinangangasiwaan ni Cardinal Tagle sa paglunsad ng mga programa sa mga bansang nakararanas ng labis na kahirapan bunsod ng mga sitwasyong pinalubha ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 60,769 total views

 60,769 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 90,991 total views

 90,991 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 117,642 total views

 117,642 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 212,615 total views

 212,615 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 229,724 total views

 229,724 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top