Obispo ng Diocese of Gumaca, nagpaabot ng panalangin sa health workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total reads

Nagpaabot ng panalangin si Gumaca Bishop Victor Ocampo para sa mga health workers na humaharap sa iba’t ibang pagsubok dulot ng coronavirus pandemic.

Ipinagdarasal ni Bishop Ocampo na nawa’y patuloy na magkaroon nang lakas ng loob ang mga healthcare workers sa kabila ng mga usapin hinggil sa hindi maayos na pamamahagi ng benepisyo bilang kapalit ng kanilang pagsasakripisyo magmula nang lumaganap sa bansa ang pandemya.

“Nauunawaan po namin ang kanilang kalagayan na lubos na nanghihina ngayong tumataas ang bilang ng mga impeksyon ng COVID at kabawasan naman ng mga nurses na lilipat sa iba’t ibang gawain. Napilitan silang magtrabaho ng mas mahabang oras kaysa sa nararapat habang lalong nalalagay sila mismo sa panganib ng pagkahawa sa kanilang inaalagaan,” bahagi ng panalangin ni Bishop Ocampo mula sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling din ng Obispo na patuloy nawang gawaran ng Panginoon ang mga medical workers nang maayos na kalusugan at pangangatawan.

“Hinihingi po namin na palakasin ang kanilang pangangatawan at kalooban upang ipagpatuloy nila ang gawain ng mabuting samaritano na humarap sa panganib at pagtupad ng makataong pagtulong sa biktima,” ayon kay Bishop Ocampo.

Batay sa tala ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi), 40-porsyento ng mga medical workers mula sa mga pribadong ospital ang nagbitiw noong nakaraang taon, ngunit mas marami pa ang mga sumunod kasabay ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayong taon.

Samantala, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health na madaliin ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga frontline health workers.

Kaugnay ito sa mga reklamo ng ilang grupo ng medical workers mula sa mga pribadong ospital na hindi pa rin natatanggap ang ipinangakong special risk allowance (SRA) at ang pag-alis sa iba pang benepisyo sa gitna ng umiiral na pandemya.

Nito lamang Hunyo nang kasalakuyang taon, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Administrative Order 42 na nagsasaad ng paggawad ng SRA na nagkakahalaga ng P5,000 kada buwan para sa mga pribado at pampublikong health workers na direktang lantad sa mga pasyenteng mayroong COVID-19.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,678 total reads

 15,678 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,592 total reads

 16,592 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,025 total reads

 33,025 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,402 total reads

 70,402 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 101,671 total reads

 101,671 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 176,822 total reads

 176,822 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,453 total reads

 269,453 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,353 total reads

 74,353 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top