Railroading ng divorce bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kinondena ng CBCP-ECL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

Kinundina ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa Absolute Divorce Bill na inaasahan ring ipapasa sa plenary meeting ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na siyang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakababahala ang ginagawang hakbang ng mga mambabatas na sa halip na palakasin pa ang pundasyon ng pamilya ay nais pa itong na pahinain at buwagin sa pamamagitan ng divorce law sa bansa.

“Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and Family Relations sa Lower House ay umaproba ng Absolute Divorce Bill at ito ay ipapasa na nila sa plenary meeting ng House of Representatives. Ito ay nakababahala kasi sa halip na palakasin ang pamilya ayon sa ating Saligang Batas, ang divorce ay nagpapahina sa pamilya. Ito ay napapatunayan na sa lahat ng mga bansa na may absolute divorce,” pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang Misa sa Katedral ni San Jose Manggagawa sa bikaryato.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang sakramento ng kasal ay hindi lamang isang malalim na tanda o kahulugan ng pagsasama ng mag-asawa sa halip ay nagbibihay ng katangi-tanging grasya o biyaya ng Diyos upang magampanan ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa pamilya.

Iginiit ni Bishop Pabillo na bagamat sadyang hindi madali at may ilang pagsubok na kahaharapin ang mag-asawa ay hindi naman imposible ang manatiling tapat at magsama hanggang sa kamatayan.

“Ang sakramento ay hindi lang tanda ng isang malalim na kahulugan. Ang sakramento ay nagbibigay ng grasya upang ang kanyang tinatanda ay matupad. Kaya ang ikinakasal sa simbahan ay may katangi-tanging grasya na binibigay ng Diyos sa mag-asawa upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa pamilya. Totoong mahirap ang buhay ng mag-asawa. Mahirap magsama hanggang kamatayan. Mahirap, pero hindi imposible, at ito ay napapatunayan ng maraming mga may-asawa. Mas maraming mga may-asawa na nananatiling tapat kaysa mga naghihiwalay. Ito ay makakayanan kasi may Diyos na nakataya sa kanilang pag-iisang dibdib at tinutulungan sila,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Unang ikinadismaya ng CBCP – National Appellate Matrimonial Tribunal ang patuloy na pagsusulong ng mga mambabatas na maisabatas ang divorce sa Pilipinas.

Iginiit ng CBCP na hindi solusyon ang paghihiwalay o diborsyo sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa halip ay siyang magpapahina sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 37,080 total reads

 37,080 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 74,830 total reads

 74,830 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 110,128 total reads

 110,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 336,398 total reads

 336,398 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 227,479 total reads

 227,479 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top