Bishop Tala-oc, umaapela na ipagdasal ang mga pari ng Diocese of Kalibo na may karamdaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 593 total reads

Umapela ng panalangin si Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc para sa mga dinapuan ng coronavirus disease lalo na sa mga pari na nagpatuloy sa misyon ng Simbahan.

Sa liham ng Obispo, binigyang diin nito ang kahalagahan ng panalangin para sa mga pastol ng Simbahan na may mga karamdaman.

“I earnestly appeal to all of you to pray hard for our beloved priests who are presently experiencing difficult health conditions,” bahagi ng apela ni Bishop Tala-oc.

Ipinagdasal din ng Obispo ang katatagan ng bawat pamilya na sinusubok ng panahon bunsod ng COVID-19 at kagalingan sa lahat ng mga nahawaan ng virus.

Sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan ng Aklan, nasa 163 ang aktibong kaso ng coronavirus sa lugar, mahigit sa dalawang libo ang gumaling sa karamdaman habang 103 naman ang nasawi.

Hinikayat din ni Bishop Tala-oc ang mananampalataya sa lugar na mahigpit sundin ang itinakdang health protocol upang maiwasan ang pagkahawa at makatulong sa kampanyang labanan ang paglaganap ng COVID-19.

Nagpasalamat naman ang Obispo ng Kalibo sa mga patuloy sumusuporta sa pangangailan ng mga lingkod ng simbahan at maging sa mga mamamayang nangangailangan ng kalinga ngayong panahon ng pandemya.

“I also thank you for your financial assistance to our sick priests. May the Lord continue to grant you many good things to be shared to those who are most in need,” ani Bishop Tala-oc.

Tiniyak ng Obispo ang patuloy na pakikiisa sa mahigit 70 mga pari ng Diyosesis na katuwang niya sa pamamahala sa mahigit kalahating milyong Katoliko sa lugar sa 24 na mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 38,916 total reads

 38,916 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 76,620 total reads

 76,620 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 111,917 total reads

 111,917 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 338,187 total reads

 338,187 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 229,201 total reads

 229,201 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top