Mapapariwara ang bansa kapag walang political involvement ang mamamayan-Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total views

Mapapariwara ang bayan kung hindi makikilahok ang mga mamamayan sa mga nagaganap sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa pagkakaroon ng political involvement o pakikibahagi ng bawat mamamayan sa mga usaping panlipunan.

Ayon sa Obispo na siya ring incoming president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hindi dapat umiwas ang taumbayan partikular na ang mga layko sa pakikisangkot sa mga nagaganap sa lipunan sapagkat hindi basta magkakaroon ng maayos at matapat na pamamahala sa bansa kung walang mga responsableng mamamayan na magbabantay at maninindigan laban sa maling pamamahala sa bayan.

Paliwanag ni Bishop David, bahagi ng isinusulong ng Simbahan na enlightened citizenry at empowered citizenry ay ang pagiging isang responsableng mamamayan na mahalagang salik sa pagkakaroon ng maayos na pamamalakad sa bansa ng mga lingkod bayan.

“We cannot have good governance without the essential backbone of responsible citizenship and I think itong ating pagpopromote ng good politics ay bahagi ng enlightened citizenry, empowered citizenry, reponsible citizenship mapapariwara ang ating bayan kapag hindi nakilahok ang mga mamamayan.” Ang bahagi ng mensahe ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa National Laity Week Conference on Social Transformation through Civil and Political Involvement ng diyosesis.

Pagbabahagi ni Bishop David, isa sa unang tungkuling dapat gampanan ng isang responsableng mamamayan ay ang matalino at mapanuring pakikibahagi sa proseso ng halalan sa bansa na nagtatakda ng mga opisyal na mamumuno sa pamahalaan.

Sa kabila nito binigyang diin ng Obispo na bago pa man isulong ng bawat mamamayan ang pagtiyak sa pagkakaroon ng maayos, malinis, matapat, makabuluhan at mapayapang halalan sa bansa ay kinakailangan munang matiyak na hindi gamiting dahilan ng mga ayaw bumitiw sa kanilang katungkulan ang pandemya upang ipagpaliban ang pagsasagawa ng halalan sa bansa.

“We need to guarantee that if we’re going to have an election at all we make sure una na matutuloy ito na hindi gagawing dahilan ang pandemya para ito’y maudlot we have to avoid that, we have to make sure also na ang eleksyon na ito ay magiging clean, honest, [accurate], meaningful and peaceful.” Dagdag pa ni Bishop David.

Matatandaang una ng binigyang diin ng Obispo na bahagi ng pananampalataya ng mga Kristiyano’t Katoliko ang pakikilahok at pakikisangkot sa usapin ng pulitika sa bansa kung saan ang boto tuwing halalan ay dapat na ituring ng mga layko na isang panata o debosyon para sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 26,114 total views

 26,113 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 150,525 total views

 150,524 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 193,434 total views

 193,434 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 272,910 total views

 272,910 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top