Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapangyarihan ang impormasyon at kaalaman

SHARE THE TRUTH

 639 total views

Mga Kapanalig, malawak at malalim ang impluwensiya ng natatanggap nating mga impormasyon araw-araw. Hinuhubog ng mga ito ang ating mga desisyon, paniniwala, at pakahulugan sa ating buhay at mundong ginagalawan. Gayon na lamang ang kahalagahan ng pagtingin sa impormasyon bilang isang public good at ang pagtataguyod ng karapatan sa impormasyon, iprinoklama ng UN General Assembly ang ika-28 ng Setyembre bilang International Day for Universal Access to Information.

Ayon sa UN, ang pagkakaroon ng akses sa impormasyon ay nangangahulugang ang bawat isa ay may karapatang humingi, tumanggap, at magbahagi ng impormasyon. Mahalagang bahagi ng karapatang ito ang karapatan sa malayang pamamahayag. Sa kasamaang-palad, marami tayong nakikitang balakid sa malayang pamamahayag sa ating bansa. Tunay na malaking hamon ito sa panahon ngayon lalo na’t may mga pagkakataong ginigipit ang mga tao at organisasyong naglalabas ng totoong impormasyon.

Sa mga nakalipas na taon, marami nang naipasáng batas sa Pilipinas kaugnay ng pagbibigay ng akses sa mga pampublikong impormasyon, kung saan maaaring humingi ang mamamayan ng anumang impormasyon tungkol sa mga transaksyon at pamamalakad ng pamahalaan nang hindi nailalagay sa panganib ang pambansang seguridad. Sa katunayan, ang karapatan natin sa pampublikong impormasyon ay kinikilala sa Konstitusyon mula pa noong 1973. Bagamat sa pamamagitan ng mga batas na ito ay naoobliga ang mga opisyal at ahensiyanng isiwalat ang mga pampublikong impormasyon, marami dito ay hindi naipatutupad at naisusulong nang maayos. Dahil kulang ang pagpapaliwanag at pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa mga batas na ito, maraming hindi nakaaalam na maaari nilang hingiin sa ahensya ng gobyerno ang mga pampublikong impormasyong dati ay tagô. Dagdag pa rito ang burukrasya o ang kumplikadong prosesong kailangang pagdaanan na minsan ay nagiging hadlang sa sinumang nais humihingi ng impormasyon.

Kaya naman, hindi na nakapagtatakang sa halip na sa mga website at news articles na may kredibilidad kumalap ng impormasyon ang mga tao, mas pinipili nilang tangkilikin ang mga impormasyong nakahain sa mga platapormang sa tingin nila ay mas abot-kamay katulad ng Facebook, YouTube, at iba pa. Ang nakababahala, nagkálat din sa mga ito ang fake news.

Bagamat mabilis nang makakuha ng impormasyon, tandaan nating hindi lahat ng ito ay totoo at tama. Kaya magsumikap tayong maging bahagi ng katotohanan at kaliwanagan sa ating kapwa. Magagawa natin ito kung tatangkilikin natin ang mga mapagkakatiwalaang sources of information. Maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at ibinabahagi natin sa internet at social media. Higit sa lahat, tawagin natin ang pansin ng mga opisyal ng pamahalaan na laging tiyakin ang katotohanan ng pinagmumulan ng kanilang impormasyon bago nila ilabas ang mga ito sa publiko.

Gaya nga ng sinasabi sa Juan 8:32, “ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Malaya tayo kapag hinahangad natin ang katotohanan, at tinitiyak na totoo at tama ang mga pinaniniwalaan at ibinabahagi nating impormasyon. Ayon naman sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan, mahalagang itanong kung ang kasalukuyang sistema ng impormasyon ay nag-aambag sa paglago ng tao. Ginagawa ba nitong mas ganap ang espiritwalidad ng mga tao? Nagkakaroon ba sila ng kamalayan sa dignidad ng sangkatauhan? Mas responsable o mas bukás ba sila sa iba, lalo na sa mga nangangailangan at mahihina?

Mga Kapanalig, sa pagkakataong mas abot-kamay na natin ang impormasyon dahil sa iba’t ibang plataporma ng social media, malaking kapangyarihan ang nasa ating kamay. Gamitin natin ito nang tama sa pagkilatis sa mga taong nasa posisyon, sa pagpapanagot sa mga tiwaling pulitiko at pinuno, at higit sa lahat, sa pagpili ng nararapat na lider ng ating bansa, lalo na sa darating na eleksyon. Tandaan nating marami tayong magagawang pagbabago bilang indibidwal gamit ang mga tamang impormasyong ating natatamo.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,728 total views

 15,728 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,828 total views

 23,828 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,795 total views

 41,795 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,027 total views

 71,027 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,604 total views

 91,604 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,729 total views

 15,729 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 23,829 total views

 23,829 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,796 total views

 41,796 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,028 total views

 71,028 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 91,605 total views

 91,605 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,789 total views

 85,789 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,570 total views

 96,570 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,626 total views

 107,626 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,488 total views

 71,488 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,917 total views

 59,917 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,139 total views

 60,139 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,841 total views

 52,841 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,386 total views

 88,386 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,262 total views

 97,262 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,340 total views

 108,340 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top