“Serbisyong may Malasakit”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total reads

Ganito inilarawan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamumuno ng yumaong chairperson ng kumisyon na si CHR Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon.

Sa opisyal na pahayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia ay ibahagi ng opisyal ang pagpanaw ni Gascon sa edad na 57-taong gulang, umaga ng Sabado, ika-9 ng Oktubre, 2021 dahil sa kumplikasyon na dulot ng Coronavirus Disease 2019.

“It is with deepest sorrow that we announce the passing of Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon. He passed away early this Saturday morning, 9 October 2021, due to Covid-19 complications. He was 57,” pahayag ni de Guia.

Pagbabahagi ni Atty. De Guia, hindi matatawaran ang pamumuno ni Chairperson Gascon sa kumisyon na nagdulot ng inspirasyon sa mariing paninindigan sa pagsusulong ng karapatang pantao hindi lamang para sa mga kawani ng CHR kundi maging sa iba pang mga human rights workers sa bansa.

Ayon kay Atty. De Guia higit ring naipamalas ni Gascon ang paglilingkod ng may tunay na pagmamalasakit para sa mga biktima ng iba’t ibang pang-aabuso sa karapatang pantao kasabay ng pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng bawat kawani ng kumisyon.

“His leadership in the Commission has inspired and nurtured a culture of enabling, empowering, and safe environment that move CHR personnel to always serve with genuine compassion or Serbisyong may Malasakit, utmost integrity, and excellence. He impressed upon the CHR personnel and fellow human rights workers the impact and value of our work especially to those who have it least,” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Binigyang pagkilala rin ng CHR ang katapangan at paninindigan ni Gascon upang isulong ang mandato ng kumisyon sa kabila ng iba’t ibang mga pagsubok, hamon at pagbabanta dahil sa mariing paninindigan ng CHR laban sa iba’t ibang mga pang-aabuso sa karapatang pantao na nagaganap sa lipunan.

Paliwanag ni Atty. De Guia, sadyang kahanga-hanga ang dedikasyon ni Gascon upang isulong ang kalayaan, katotohanan, katarungan at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

“At a time of unprecedented human rights challenges, Chair Chito courageously and steadfastly upheld the constitutional mandate of the Commission. Amidst the unrelenting attacks against the institution and to him personally, he was unwavering and unflinching in fighting for the universal values of freedom, truth, and justice that are essential in the pursuit of human rights. He was undaunting in the fight for human rights, rule of law, and democracy out of deep reverence to the equal rights and dignity of all,” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Samantala, tiniyak naman ng CHR ang pagpapatuloy sa mga nasimulan ni Chairperson Gascon at patuloy na paninindigan sa mandato nito na tiyakin ang pagsusulong ng karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

Pansamantala, pangangasiwaan ni CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit bilang Officer-in-Charge ang Commission on Human Rights sa pagpanaw ni Chairperson Gascon.

Si Gascon ang nagsilbing pinakabatang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution at ng 8th Philippine Congress kung saan naisabatas ang Sanggunian Kabataan na pakikilahok ng mga kabataan sa lokal na pamahalaan, gayundin ang Republic Act 7610 na pagbibigay ng proteksyon sa mga bata mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Bago naitalaga bilang chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) noong 2015, nagsilbi rin si Gascon bilang kasaping miyembro ng Human Rights Victims Claims Board na responsable sa pagkilala at pagpapatupad ng reparation programs para sa mga biktima ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,631 total reads

 3,631 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,494 total reads

 5,494 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,268 total reads

 14,268 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,646 total reads

 51,646 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,917 total reads

 82,917 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,534 total reads

 159,534 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 253,081 total reads

 253,081 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,193 total reads

 24,193 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top