Bishop Bacani, nagpaabot ng panalangin at pakikiramay sa pamilya ni CHR Chairperson Gascon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Nagpaabot na panalangin at pakikiramay si 1987 Constitutional Framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa pagpanaw ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon.

Ayon sa Obispo, sadyang kahanga-hanga ang dedikasyon ni Gascon sa pagsusulong ng karapatang pantao at katarungang panlipunan sa bansa na nagsilbing pinakabatang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution ng Pilipinas.

Pagbabahagi ni Bishop Bacani, bukod sa Panginoon ay tiyak rin na hindi malilimutan ng mamamayang Pilipino ang malaking ambag ni Gascon upang isulong ang higit na pagbibigay halaga sa dignidad at karapatan pantao ng bawat indibidwal.

“I am deeply saddened by the loss of [CHR Chairperson] Commissioner Chito Gascon. He was a real champion for human rights and the Lord will certainly remember that, as well as the Filipino people,” ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa Radio Veritas.

Partikular ding kinilala ni Bishop Bacani ang paninindigan ng Commission on Human Rights sa ilalim ng pamumuno ni Gascon laban sa mga serye ng pang-aabuso sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte na nagpatupad ng War on Drugs na tinaguriang Oplan Tokhang.

Ayon kay Bacani, ang pinaka-naaangkop na paraan ng pagkilala at pag-alala sa naging makabuluhang buhay ni Gascon ay ang pagpapatuloy sa kanyang mga adbokasiya at misyon sa pagsusulong ng karapatang pantao at katarungang panlipunan.

“Thanks to him the abuses of the Duterte administration have been lessened. The best way to remember him is to continue his fight for human rights. Let us pray for him,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batay sa tala ng CHR, umaabot na sa 3,423 na mga drug-related extrajudicial killings ang naidokumento at iniimbestigahan ng kumisyon mula ng magsimula ang War on Drug ng administrasyong Duterte.

Nakilala si Gascon bilang isang human rights lawyer at political activist na siya ring pinakabatang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution at ng 8th Philippine Congress.

Taong 2015 ng itinalaga si Gascon bilang chairperson ng Commission on Human Rights at nagsilbi sa kumisyon ng anim na taon, bago pumanaw sa edad na 57-taong gulang dahil sa kumplikasyon na dulot ng Coronavirus Disease 2019, umaga ng Sabado, ika-9 ng Oktubre, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,226 total reads

 79,226 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,383 total reads

 157,383 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,831 total reads

 190,831 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,127 total reads

 226,127 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,483 total reads

 449,483 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top