Traslacion 2022, pinaghahandaan ng Quiapo Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,171 total reads

Naghahanda na ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Traslacion 2022.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Father Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, ibinahagi nitong manatiling ipatutupad ang mga ginawa sa Traslacion 2021 bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19.

Ibinahagi naman ng Pari na mas palalawakin pa ang pagdalaw ng imahe ng Poong Nazareno sa mga lugar sa Luzon.

“More or less kung ano yung nangyari sa Traslacion 2021 ganoon pa rin sa 2022, although mas pinalawak pa ngayong 2022 yung pupuntahan ng Poong Nazareno dahil apat na image ang simultaneous na lalabas para bisitahin ang mga tao,” bahagi ng pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Ayon sa Pari, hindi pa tiyak ng Quiapo Church ang pagsasagawa ng motorcade o prusisyon sa kabila ng pahintulot ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasunod ng pagluluwag ng quarantine restrictions dahil nanatili pa rin ang banta ng virus sa lipunan.

Naghahanda na rin ang pamunuan ng Basilica ng mga mungkahing ilalatag sa pamahalaang lunsod ng Maynila sa pagdaraos ng Pista ng Poong Nazareno sa January 9.

Inihayag ni Fr. Badong na hinati sa apat na lugar ang bibisitahin ng Poong Nazareno ang North at South Luzon, National Capital Region, at ang sectoral groups o iba’t ibang ahensya sa Metro Manila.

Kabilang sa mga lugar na dadalawin mula December 27 ang Baguio, La Union, Dagupan, Tarlac, Cabanatuan, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Atinoman at Lucena sa Quezon, Laguna, Cavite at Las Pinas.

Sa NCR naman nakatakdang dalawin ang mga cathedral ng mga Diyosesis ng Paranaque, Pasig, Novaliches, Cubao, Caloocan at Archdiocese of Manila.

Si Fr. Badong ang mangangasiwa sa North Luzon, si Fr. Danichi Hui naman sa South Luzon, Fr. Earl Allsyon Valdez sa NCR habang si Msgr. Hernando Coronel ang sectoral groups.

Dagdag pa ni Fr. Badong na ‘sequel’ ng Traslacion 2021 ang pagdiriwang sa susunod na taon na nakatuon pa rin sa pangamba ng mamamayan sa gitna ng naranasang pandemya.

“Mayroon na tayong logo, may theme na rin for 2022; parang sequel ito nung 2021 kasi ang theme noon ‘Huwag kayong matakot si Hesus ito’ and then itong 2022 parang sequel lang ‘Bakit kayo natatakot wala ba kayong pananalig?” ani Fr. Badong.

Ang tema ng Traslacion 2022 ay hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 40.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,055 total reads

 1,055 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,970 total reads

 22,970 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,531 total reads

 63,531 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,361 total reads

 90,361 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,626 total reads

 138,626 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,670 total reads

 159,670 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top