Mining hell week, inilunsad ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total views

Inilunsad ng grupong Alyansa Tigil Mina ang Mining Hell Week upang muling bigyang pansin ang sitwasyon ng pagmimina sa bansa na lubhang nakakaapekto sa kalikasan at kabuhayan ng bawat mamamayan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, malayo na ang kalagayan ng kalikasan ng bansa ngayon kumpara noong si Gina Lopez pa ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong ito’y nabubuhay pa.

Dagdag ni Garganera na hindi tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangakong pangangalagaan ang kalikasan, bagkus ay lalo pang napinsala dahil sa mga ipinatupad na batas.

Isa na rito ang Executive Order 130 na ipinatupad nitong Abril na nakapaloob ang pagbawi sa siyam na taong moratoryo para sa pagmimina para makatulong na muling makabangon ang ekonomiya ng bansa dulot ng krisis sa pandemya.

“Binaliktad na ang polisiya sa pagmimina. Wala na ang moratorium sa mga bagong aplikasyon. Pinahina na ang ban on open pit mining, bagamat nandyan pa rin ang ban on open pit mining… Mas madali, mas marami at mas malawak ang mga mina ngayon dahil sa administrasyong ito na ginawa nang essential industry ang pagmimina,” pahayag ni Jaybee Garganera sa paglulunsad ng Mining Hell Week 2021.

Giit pa ni Garganera na hindi ito ang tugon para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa dahil lubos lamang nitong ilalagay sa kapahamakan ang kalagayan ng kalikasan lalo’t higit ang mga apektadong komunidad.

Magugunitang noong Setyembre 2017, ipinag-utos ng namayapang si DENR Secretary Lopez ang pagpapasara at pagpapahinto sa mining operations ng 26 na mining companies dahil sa paglabag sa environmental standards at Philippine Mining Act of 1995.

Sang-ayon naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariing tinututulan ng Santo Papa ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,362 total views

 30,362 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,367 total views

 52,367 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 76,709 total views

 76,709 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,328 total views

 100,328 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 133,826 total views

 133,826 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top