Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 241 total views

Mga Kapanalig, kabilang ang mga bilanggo sa mga kapatid nating nakararanas ng matinding pagdurusa at paghihirap. Hindi sila kinalilimutan ng ating Panginoon; wika nga sa Mga Awit 69:33, “Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, lingkod na bilanggo’y ‘di nalilimutan.”

Ganoon na lamang ang pagpapahalaga natin sa dignidad ng mga kapatid nating pinakaitan ng kalayaan at nagdurusa sa mga bilangguan para sa mga nagawa nilang pagkakamali, itinalaga ng Simbahang Katolika ang huling linggo ng Oktubre bilang Prison Awareness Week. Sa taóng ito, nagsisimula ito ngayong araw, ika-25 ng Oktubre, at magtatapos sa Linggo, ika-31 ng Oktubre. Ito na ang ika-34 na Prison Awareness Week.

Sa pinakahuling datos ng Bureau of Corrections, ang opisina ng pamahalaang nangangasiwa ng mga bilangguan para sa mga taong napatawan ng mahabang panahon ng pagkakakulong, mahigit 48,000 ang ating prison population. Pinakarami sa mga ito ay nakakulong sa mga pasilidad ng New Bilibid Prison na ang kapasidad ay para lamang sa halos 6,500. Kaya sa kasalukuyang populasyon sa mga ito, aabot ang congestion rate sa 344%—sa madaling salita, siksikan na sa mga bilangguan natin.

Ganito rin ang sitwasyon ng mga babae sa Correctional Institute for Women, kung saan dinadala ang mga babaeng sangkot sa mga itinuturing na matitinding krimen. May dalawang correctional institutions sa ating bansa—isa rito sa Mandaluyong at isa naman sa Mindanao. Dito sa Mandaluyong, ang pasilidad na para lamang sa mahigit isanlibong preso ay mayroong mahigit 4,700 na bilanggo. Nasa 229% ang congestion rate doon—siksikan na rin ang mga babaeng bilanggo. Tiyak na may epekto ito sa kondisyon ng mga babaeng may ibang pangangailangan kumpara sa mga lalaki.

Lalaki man o babae, ang mga preso ay, una sa lahat, may dignidad na dapat pangalagaan. Ang dignidad na ito ang ugat ng Katolikong pananaw upang unawain ang sistemang pangkatarungan sa ating lipunan, upang buuin ang mga programa nating aabót sa mga kapatid nating bilanggo, at, higit sa lahat, upang isulong ang tunay na katarungan para sa lahat. Malinaw ang ating pagtutol sa parusang kamatayan o death penalty dahil nilalabag nito ang buhay na kaloob sa atin ng Panginoon, ngunit kailangan din nating pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga kapatid nating nakabilanggo. Sabi pa nga ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, ang habambuhay na pagkakabilanggo ay para na ring death penalty.

Ngunit kahit pa hindi habambuhay na pagkakakulong ang parusang natanggap ng mga bilanggo, ang manatili sa bilangguan sa mahabang panahon ay matinding paglabag sa kanilang dignidad. Ito ang hirap na pinagdaraanan naman ng mga kapatid nating nasa mga kulungang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP. Ito ang mga provincial, district, city, at municipal jails. Marami sa mga nasa pasilidad na ito ay kasalukuyang dinidinig ang kanilang kaso sa korte o naghihintay pa ng pinal na desisyon. Ngayong may pandemya, ang dating mabagal na proseso ng trial ay mas bumagal pa dahil may mga panahong sinuspinde ang mga hearing. Kulang din ang mga abogado at huwes, kaya naman, ilang taon din ang gugugulin ng mga nasa siksikang detention cells ng BJMP. Ayon sa audit report ng COA, nasa 403% ang congestion rate sa mga kulungan ng BJMP. Mayroong mahigit 115,000 na bilanggo ang nasa mga pasilidad na kasya lamang para sa halos 35,000 na tao.

Mga Kapanalig, isa lamang ang pagsisiksikan sa mga problemang kinakaharap ng ating mga bilangguan at kulungan. Marami pa silang dinaranas katulad ng kakulangan sa pagkain at matinding kalungkutan. Kaya naman ngayong Prison Awareness Week, ating suportahan ang prison ministry ng Simbahan upang tulungang punan ang kakulangan ng pamahalaan at bigyang pag-asa ang mga kapatid nating preso.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,523 total views

 1,523 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,496 total views

 7,496 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,251 total views

 13,251 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,514 total views

 20,514 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,499 total views

 28,499 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,524 total views

 1,524 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,497 total views

 7,497 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,252 total views

 13,252 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,515 total views

 20,515 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,500 total views

 28,500 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,107 total views

 35,107 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,111 total views

 47,111 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,153 total views

 55,153 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,710 total views

 46,710 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,135 total views

 45,135 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,921 total views

 46,921 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,846 total views

 43,846 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,160 total views

 58,160 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,850 total views

 61,850 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,453 total views

 60,453 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top