Mining hell week, inilunsad ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 869 total reads

Inilunsad ng grupong Alyansa Tigil Mina ang Mining Hell Week upang muling bigyang pansin ang sitwasyon ng pagmimina sa bansa na lubhang nakakaapekto sa kalikasan at kabuhayan ng bawat mamamayan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, malayo na ang kalagayan ng kalikasan ng bansa ngayon kumpara noong si Gina Lopez pa ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong ito’y nabubuhay pa.

Dagdag ni Garganera na hindi tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangakong pangangalagaan ang kalikasan, bagkus ay lalo pang napinsala dahil sa mga ipinatupad na batas.

Isa na rito ang Executive Order 130 na ipinatupad nitong Abril na nakapaloob ang pagbawi sa siyam na taong moratoryo para sa pagmimina para makatulong na muling makabangon ang ekonomiya ng bansa dulot ng krisis sa pandemya.

“Binaliktad na ang polisiya sa pagmimina. Wala na ang moratorium sa mga bagong aplikasyon. Pinahina na ang ban on open pit mining, bagamat nandyan pa rin ang ban on open pit mining… Mas madali, mas marami at mas malawak ang mga mina ngayon dahil sa administrasyong ito na ginawa nang essential industry ang pagmimina,” pahayag ni Jaybee Garganera sa paglulunsad ng Mining Hell Week 2021.

Giit pa ni Garganera na hindi ito ang tugon para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa dahil lubos lamang nitong ilalagay sa kapahamakan ang kalagayan ng kalikasan lalo’t higit ang mga apektadong komunidad.

Magugunitang noong Setyembre 2017, ipinag-utos ng namayapang si DENR Secretary Lopez ang pagpapasara at pagpapahinto sa mining operations ng 26 na mining companies dahil sa paglabag sa environmental standards at Philippine Mining Act of 1995.

Sang-ayon naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariing tinututulan ng Santo Papa ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,287 total reads

 2,287 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,023 total reads

 25,023 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,584 total reads

 65,584 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,292 total reads

 92,292 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,557 total reads

 140,557 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,534 total reads

 161,534 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,934 total reads

 128,934 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top