Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 269 total views

Homily for 30th Sunday in Ordinary Time, World Mission Sunday, Mark 10:46-52

Alam na marahil ninyo na inilunsad natin sa Diocese of Kalookan noong nakaraang Linggo, kasabay ng lahat ng mga diyosesis sa buong mundo, ang “Synod on Synodality.” Ang Tagalog translation natin ng Synodality ay PAGIGING KAMANLALAKBAY.

Ito po ay isang malawakang konsultasyon sa Simbahang Katolika bilang bahagi ng 2-taon na preparasyon sa magaganap na Sinodo ng mga Obispo sa October 2023. Tatlong prinsipyo ang itinataguyod ng Sinodong ito sa simbahan: COMMUNION, PARTICIPATION at MISSION. Sa Tagalog, PAKIKIBUKLOD, PAKIKIBAHAGI at PAGMIMISYON.

Nauna nang naglunsad si Pope Francis noong October 10. At sa homily niya sa Rome, nagbahagi siya ng isang reflection tungkol sa tatlong importanteng sangkap ng COMMUNION: encounter (pagtatagpo), listening (pakikinig), and discernment (pangingilatis).

Ang ating ebanghelyo sa araw na ito ay magandang follow-up sa kanyang paginilay. Ito’y isa ring ENGKWENTRO o pagtatagpo na nangyari dahil sa PAKIKINIG at nauwi sa pagsunod dahil sa PANGINGILATIS. Ito ang kuwento ni San Markos tungkol sa pagpapagaling ni Hesus sa pulubing bulag na ang pangalan ay BARTIMEO. Ang ibig kong tutukan sa aking reflection sa umagang ito ay tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang napakahalagang aspeto ng SYNODALITY o pakikilakbay kay Kristo. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS.

Sa Tagalog ang “LISTENING” ay PAKIKINIG. Minsan, may nagtanong sa akin, “Ano ang Kapampangan ng TO LISTEN?” Sabi ko MAKIRAMDAM. Namangha siya, “Di ba iyon ang Tagalog ng FEELING?” Sabi ko, oo sa Kapampangan din. Siguro, ibig sabihin, para sa amin, hindi sapat ang makinig sa pamamagitan ng tainga. Kailangang MAKIRAMDAM, para marinig pati iyong hindi sinasabi na ibig ipahayag ng tao. Kaya nga mayroon tayong salitang PAKIRAMDAMAN.

Nangyari ang engkwentro sa pagitan ni Bartimeo at ng Panginoong Hesukristo dahil pareho silang mahusay sa PAKIRAMDAMAN. Kaya nauwi ang engkwentro nila sa pagiging MAGKALAKBAY. Sa panahon natin ngayon, dahil sa pagmamadaling makarating sa ating kani-kaniyang destinasyon o layunin sa buhay, marami tayong mga kalakbay na nasasantabi, naiiwan, o bumabagsak sa kalsada ng buhay, dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan: karukhaan, kapansanan, kawalan ng edukasyon, pagkakasakit na pisikal o mental, pagkaka-biktima atbp. Nasasanay na tayo sa kanila hanggang sa puntong halos hindi na natin sila napapansin. Para bang nagiging invisible na sila sa lipunan—hindi naririnig, hindi nakikita.

Noong kabataan ko pa, tandang tanda ko ang ginawa ng isang First Lady nang idaos sa Pilipinas ang isang importanteng international summit ng mga world leaders. Para hindi mapansin ng mga delegates ang libo-libong mga iskuwater sa Metro Manila, tinayuan niya ng mataas na pader na pininturahan ng puti ang buong kahabaan ng tabing kalsada para takpan ang mga barong-barong nila. Hindi yata niya alam na sa eroplano pa lang, bago maglanding ay tanaw na tanaw na ang matinding karukhaan ng nakararami sa Maynila.

Tulad ng nasabi ko na, parehong mahusay sa PAKIRAMDAMAN ang pulubing si Bartimeo at si Hesus. Tingnan natin ang bawat isa. Una, si Bartimeo.

Dati rati, ang tawag sa mga taong may kapansanan ay HANDICAPPED O DISABLED. Ngayon, ang tawag sa kanila sa English ay PWD—persons with disability. Nauuna ang PERSONS, mga tao sila. Mayroon man silang kapansanan pero meron din naman silang ibang mga ABILIDAD. (Joke: Paano sasabihin ng bulag sa tindero sa sari-sari store na bibili siya ng shampoo?) Hindi tama na i-reduce ang pagkatao nila sa kapansanan nila: bulag, pipi, bingi, etc. Hindi ba totoo na pag may kapansanan ang tao, mas lalong tumitindi ang iba niyang mga pandama?

Sa kuwento ng eanghelyo, nag-ingay daw si Bartimeo nang malaman niyang dumadaan si Hesus. Paano niya nalaman? Kahit di niya nakikita, naririnig niya. Pilit daw siyang pinatatahimik, pero mas lalo siyang nag-ingay, para makatawag pansin, at nagtagumpay siya. Alam niyang tulungan ang sarili niya. Maabilidad din siya. At nang tawagin siya, mabilis siyang nakalapit kay Hesus nang walang tumutulong sa kanya. Paano? Bukod sa pakikinig, siguradong ginamit din niya ang pang-amoy at pangangapa. May nakita akong video, niligtas ng bulag ang isang babaeng muntik nang masagasaan. Nagja-jogging na may earphones kaya di pinapansin ang daan. Ginamit ng bulang ang tungkod niya para harangin siya bago tamaan ng sasakyan. May tenga siya pero hindi ginagamit. Iyung iba naman may mata, pero bibig ang naghahanap.

Ang malakas magpatingkad ng ibang pandama ay ang marubdob na paghahangad o pagiging buo ang loob. Sa Ingles, “strong-willed.” May isan estudyanteng bulag na naging valedictorian sa Ateneo, nagtapos ng BS Physics. Biro mo! Walang makapipigil sa mga taong buo ang loob at marubdob sa paghahangad na matupad ang pangarap. Kaya siguro tinanong muna ni Hesus sa pulubi, “Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo?” Sinusubukan siya. Malay mo baka nagpapalimos nga lang naman siya. (Gusto kong makakita! Minsan may mga dukha maririnig mo sila, “Gusto kong makapag-aral, maging titser, maging duktor, maging pari….” Sa loob nagsisimula ang mga mangyayari sa labas natin.)

Bukod sa ibig mangyari, mahalaga ring alam natin para saan o bakit iyon ang ibig nating mangyari. Tandaan noong nakaraang Linggo—ang hiling nina Santiago at Juan ay kapangyarihan. Alam ang gusto pero hindi alam para saan. Kaya tinuruan muna silang maghangad nang tama. Itong bulag na pulubi, hinangad niyang makakita muli. At ano ang ginawa niya nang nabuksan ang mga mata niya? Naging alagad siya ni Hesus.

Ngayon, pansinin naman natin ang PAKIKIRAMDAM ni Hesus. Ito ang malaking pagkakaiba niya sa mga guro sa kapanahunan niya. Babad siya sa kalagayan ng mga tao sa paligi niya. Hindi siya isang malayong tagapanood lang. Mahusay sa pakiramdaman. Kaya alam niya ang pinagdaraanan ng mga taong nagdurusa.

Ganoon din ang takbo ng atin ibang mga pagbasa. Sa aklat ng propeta Jeremias, sinasabi ng propeta na alam ng Diyos ang sitwasyon ng bayang Israel. Di ba ganyan din ang nangyari nang magpakilala ang Diyos kay Moises? Sinabi daw ng Diyos, “Nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan. Naririnig ko ang kanilang mga hinaing. Alam ko ang kanilang mga pinagdaraanan. Kaya bumaba ako para iligtas sila.”Tama ang sabi ng Salmo, “THE LORD HEARS THE CRY OF THE POOR.” Rinig ng Diyos ang panaghoy ng mga dukha.

Ganoon din si Hesus. Kaya narinig niya ang pulubi kahit pinatatahimik siya ng mga alagad. Napapansin niya ang hindi napapansin ng iba: ang babaeng naaagasan ng dugo, si Zaqueo na umakyat sa punong sikomoro, ang balo na naghulog ng barya sa templo. Mga taong hindi pinapansin sa lipunan. Bakit napapansin niya? DAHIL MAHUSAY SA PAKIRAMDAMAN. Bakit mahusay makiramdam? Dahil marubdob din ang hangarin, buo ang loob na magligtas, makilakbay, maglingkod, magbigay buhay. May ibang salita para dito: MALASAKIT. Ang taong may malasakit, malakas sa PAKIRAMDAMAN.

Mga kapatid hindi totoo na mas mabilis tayong aabot sa ating dapat patunguhan kung mag-uunahan tayo. Ang kaharian ng Diyos ay mas mabilis nating mararating kung matutuhan natin ang sama-samang pakikilakbay. Hindi ito mangyayari kung hindi natin matutuhan ang mabuting pakikiramdam sa isa’t isa, sa bawat kalakbay dito sa mundong ibabaw.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,457 total views

 5,457 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,430 total views

 11,430 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,185 total views

 17,185 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,448 total views

 24,448 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,433 total views

 32,433 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 615 total views

 615 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 618 total views

 618 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,372 total views

 3,372 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,787 total views

 7,787 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,113 total views

 3,113 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,636 total views

 3,636 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,135 total views

 5,135 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,979 total views

 5,979 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,234 total views

 4,234 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,447 total views

 8,447 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,680 total views

 7,680 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,890 total views

 11,890 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,338 total views

 5,338 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,342 total views

 5,342 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,342 total views

 5,342 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top