Kabataan, hindi maaring piliting bakunahan ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297 total views

Iginiit ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maliban sa pahintulot ng mga magulang, kailangan din ang pagsang-ayon ng mga kabataan bago tanggapin ang COVID-19 vaccine.

Ipinaliwanag ni Cabotaje na ito’y upang maintindihan at matiyak na bukal sa loob ng bata ang tatanggaping bakuna maging ang magiging epekto nito kapag naiturok na sa katawan.

“Para naman mas maintindihan ng mga bata, nagre-require din ng assent ng bata. ‘Yung hindi siya napipilitang magpabakuna. Alam n’ya ‘yung mga ibibigay sa kanya at ano ‘yung mga possible side effects kung saka-sakali,” pahayag ni Cabotaje sa programang Veritas Pilipinas.

Dagdag pa ng kalihim na sa pamamagitan din nito, maaaring maging instrumento ang mga kabataan bilang tagapagtaguyod ng ligtas na pagpapabakuna na makakatulong upang mahikayat ang iba pa para sa karagdagang kaligtasan laban sa COVID-19.

“By doing that, they can also be advocates to other children of their age na ano ‘yung effect ng bakuna na sila ay wala namang naramdaman pagkabakuna,” saad ni Cabotaje.

Sa anunsyo ng DOH, magsisimula na sa Nobyembre 3 ang nationwide rollout ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Dito’y tanging ang Pfizer at Moderna vaccines lamang ang maaaring ipamahagi sa mga kabataan, batay na rin sa emergency use authorization mula sa Philippine Food and Drug Administration.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, nasa 12.7 milyon ang kabuuang populasyon ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang sa buong bansa.

Ayon naman sa huling tala ng DOH noong Oktubre 26, aabot na sa humigit- kumulang 19,000-menor de edad na mayroong comorbidities ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa unang bahagi ng pediatric vaccination sa mga piling ospital sa Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 74,829 total views

 74,829 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 105,052 total views

 105,052 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 131,702 total views

 131,702 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 226,675 total views

 226,675 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 242,833 total views

 242,833 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top