Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paano naman kami?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total views

Pakinggan ang panawagan ng mga jeepney driver na labis ng naapektuhan ng pandemya.

Ito ang isa sa apela ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) President Melencio ‘Boy’ Vargas sa pamahalaan sa pilot-testing ng pagtataas sa 70% seating capacity ng mga Public Utility Vehicles (PUV) mula sa kasalukuyang 50% sa National Capital Region (NCR) at karatig lalawigan sa ika-4 ng Nobyembre 2021.

Bukod sa pagtaas ng seating capacity ay iginigiit din ng ALTODAP at iba pang jeepney groups ang fare hike at tulong pinansiyal bukod sa ipapamahaging fuel subsidy sa mga tsuper ng pampasaherong jeep.

“Ako doon sa sinasabi namin na 70% mag-iistart yung 70% ng November 04, pero hindi lang yan hinihiling namin para yung sa tungkol don sa pera eh iaatras namin, patuloy yan, tatlong aspeto yan…ang una diyan na yung 100% full capacity, pagkatapos may subsidy bukod pa yung fuel subsidy,” ayon kay Vargas sa kaniyang panayam sa Radio Veritas.

Pinangangambahan ni Vargas na ginagamit ng pamahalaan ang pandemya upang isulong ang total phase out ng mga traditional jeepneys alinsunod sa Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) ng gobyerno.

“Yun ang isang ipinagtataka namin, parang ginamit nila itong pandemic sa mga traditional jeep na sinasabi nilang parang gusto na talaga nilang alisin, yun ang isang masakit sa amin sa traditional jeep. Unang-una yung mga ruta ng jeep ay pinapasok na ng bus”.pahayag ni Vargas.

Isinusulong din ng ALTODAP na makabalik sila sa nakagawiang ruta dahil sa bagong ruta ay walang pasaherong sumasakay.

“Bigyan kita ng example, sa Antipolo-Cubao pinasok ng bus yan,yung linya namin diyan inilihis kami- yung via sumulong . Binuksan nga yung Antipolo-Cubao pero hindi diyan pinadaan, sa Imelda avenue, ano namang makukuha naming pasahero doon”.ayon kay Vargas.

Binigyang diin din ni Vargas ang kaniyang panawagan sa pamahalaan na isipin ang kapakanan at ikinabubuhay ng mga jeepney drivers at operators bunsod ng pagkalugi nararanasan ng dahil sa COVID-19 Pandemic.

Upang matulungan ang sektor sa Metro Manila na makasabay sa isinusulong na jeep moderinization ng pamahalaan ay una ng inilunsad ng Caritas Manila ang pagsasangkot sa ilang mga PUJ drivers upang maging miyembro ng Caritas Salve na itinalagang kooperatiba ng Social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mga jeepney drivers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 71,972 total views

 71,972 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 117,695 total views

 117,695 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 119,905 total views

 119,905 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 190,716 total views

 190,716 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 197,698 total views

 197,698 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

META, maghihigpit sa mga kabataan online

 160 total views

 160 total views Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines Ang digital literacy

Read More »

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 4,794 total views

 4,794 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top