SSS contribution ng ‘riders’, dapat akuin ng courier service app company

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,278 total reads

Isinusulong ng Motorcycles Philippines Federation (MPF) na maging miyembro ng Social Security System o SSS ang mga ‘riders’ sa ilalim ng mga food delivery at courier services application companies na kanilang pinaglilingkuran.

ito ay kasunod ng pahayag ng SSS na maging miyembro ng ahensya ang mga riders bilang mga ‘Self-Employed’ upang makatanggap ng mga benepisyo katulad ng mga karaniwang empleyado ng kompanya.

Sa kasalukuyan ang mga ‘rider’ ay itinuturing bilang mga ‘free lancer’ at hindi kawani ng mga courier companies.

Ayon kay MPF President Atoy Sta.Cruz, 20% porsyento sa kita ng mga riders tuwing may ‘booking’ ang napupunta courier services app kaya’t mas marapat na akuin din ng kompanya ang pagbabayad sa SSS contribution bilang mga kawani.

“Dapat empleyado mo ako, ang problema deduct kalang ng deduct ng 20% pero ang lahat ng problema nasa sakin as motorcycle riders, nag-submit na ako ng position paper sa congress, pero di ko alam kung anong nangyari kung pinakinggan nila, So ang ni-recommend ko sa kanila before noong wala pang committee hearing tungkol diyan pero para sakin yung mga nag seset-up ng apps na yan yan, dapat mayroong responsibilidad sa rider na ginagamit nila, kasi kinukuhaan nila ng 20% yan e kada delivery,” ayon pa kay Sta.Cruz.

Apela rin ni Sta.Cruz ang pagkilala ng mga kompanya sa kanilang mga motorcycle riders bilang opisyal na empleyado ng application companies na kumikita mula sa serbisyong ginagampanan ng mga riders na una na rin niyang isinulong sa kongreso.

Tinatayang may 24 na delivery application company sa bansa na tinangkilik ng publiko lalu na sa panahon ng pandemya.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,446 total reads

 6,446 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 18,637 total reads

 18,637 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,281 total reads

 123,281 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 163,839 total reads

 163,839 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,293 total reads

 184,293 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,358 total reads

 232,358 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top