De-kalidad na pabahay, tiniyak ng PAG-IBIG fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 893 total reads

Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na pagsusulong ng mga dekalidad na pabahay sa kalunsuran partikuklar sa Metro Manila.

Ito ang mensahe ni DHSUD Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Eduardo del Rosario sa paglunsad ng proyektong pabahay sa Muntinlupa City noong October 28, 2021.

Ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng Countryside Housing Initiative (CHI) ng Pag-IBIG Fund katuwang ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at ilang pribadong sektor.

“The CHI brings together project proponents to bring quality and affordable housing projects to more Filipinos, as we continue to implement our nation’s shelter program as led by President Rodrigo Duterte,” pahayag ni del Rosario.

Makasaysayan ang paglunsad ng nasabing proyekto sapagkat ang BALAI Munti ay kauna-unahang DHSUD-BALAI-funded project sa National Capital Region.

Ang BALAI Munti Housing Project ay binubuo ng 35 medium-rise na mga gusali o katumbas sa 668 condominium units para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lunsod na bibilhin sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund Housing Loan program.

Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti sa pamamagitan ng C-H-I ay mabibili ng mga kawani ng lunsod sa mababang halaga ang bawat unit ng condo kung saan sa normal na 1.3 milyong pisong halaga ay maari itong makuha sa 750-libong piso lamang.

“That’s the major benefit of CHI. Because of the partnerships we create, we are able to save on additional costs like marketing and promotions for a housing project. This then leads to a quality home that is more affordable than what’s available in the market,” bahagi ng pahayag ni Moti.

Ibinahagi pa ni Moti na noong 2020 sa kabila ng pag-iral ng pandemya ay lumagda ito ng kasunduan sa siyam na mga LGU at mga institusyon sa bansa para sa pabahay sa ilalim ng C-H-I na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso na mapakikinabangan ng halos apat na libong benepisyaryo.

Taong 2017 nang ilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Countryside Housing Initiative or CHI na layong mabigyang pagkakataon ang mga miyembro ng institusyon na makakuha ng dekalidad na pabahay sa mababang halaga sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at mga institusyon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,434 total reads

 13,434 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 71,002 total reads

 71,002 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 156,369 total reads

 156,369 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 203,104 total reads

 203,104 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,976 total reads

 250,976 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 351,449 total reads

 351,449 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top