Pamamahagi ng lupa sa Agrarian Reform beneficiaries, tiniyak ng bagong kalihim ng DAR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 803 total reads

Tiniyak ng bagong talagang kalihim ng Department of Agrarian Reform na ipagpatuloy ang mga programa ng kagawaran sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Ayon kay Agrarian Secretary Bernie Cruz mahalaga ang ‘continuity’ sa paglilingkod sa mga benepisyaryo ng DAR programs na pinasimulan ni dating DAR Secretary Bro. John Castriciones.

Binigyang diin ni Cruz na pangungunahan sa ilalim ng kanyang pamamahala ang paghhatid ng kaunlaran sa mga kanayunan at tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

“Sa ilalim ng aking liderato, dodoblehin ng ahensya ang pagsisikap na maipamigay ang mga natitirang lupa sa mga magsasakang walang lupain, ang pagkakaloob ng suportang serbisyo sa mga Agrarian Reform Beneficiaries at pagbibigay ng hustisyang panlipunan sa mga agrarian reform communities,” pahayag ni Cruz.

November 8 nang pormal na isinalin ni Castriciones ang pamumuno ng DAR kay Cruz sa seremonyang ginanap sa DAR Central Office sa Quezon City na sinaksihan ng mga kawani ng kagawaran.

Sa mensahe ni Castriciones pinasalamatan nito ang mga kawani ng DAR na katuwang sa pamumuno sa nakalipas na halos limang taon mula ng italaga ng Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Habilin ng dating kalihim kay Cruz ang pagpapatuloy sa mga nasimulang proyekto lalo’t halos pitong buwan na lamang ang nalalabi ng kasalukuyang administrasyon.

Si Cruz ay dating undersecretary ng foreign assisted at special projects office ng DAR bago italagang kalihim.

Malaki ang papel ng tanggapan ni Cruz sa pag apruba ng World Bank sa Support to Parcelization of Land to Individual Title o SPLIT project ng DAR na layong mabigyan ng kanya-kanyang titulo ng lupa ang mahigit isang milyong ARB na sakop ng collective certificates of land ownership award (CCLOA).

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,099 total reads

 4,099 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,987 total reads

 27,987 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,547 total reads

 68,547 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,139 total reads

 95,139 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,405 total reads

 143,405 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,219 total reads

 164,219 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top