Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Cebu, hiniling na ipanalangin amg tagumpay ng proseso sa pagiging santo ni Archbishop Camomot

SHARE THE TRUTH

 442 total views

Hiniling ng Archdiocese ng Cebu sa mananampalataya na ipanalangin ang tagumpay ng proseso sa pagiging santo ni Servant of God, Archbishop Teofilo Camomot.

Sa anunsyo ng arkidiyosesis magkakaroon ng Meeting of Theologians sa Roma sa November 9 upang talakayin ang ‘Positio’ ni Archbishop Camomot.

“Our dear Cebu Archbishop Jose S. Palma is requesting all priests, religious and lay faithful to include this particular intention and pray for a positive response to this concern,” bahagi ng pahayag.

Mahalaga ang pagpupulong ng theologians sa pag-usad ng canonization process ng arsobispo.

Ibinahagi noon ni Fr. Mhar Balili ang vice postulator para sa canonization ng arsobispo sa panayam ng Radio Veritas na June 17, 2020 nang aprubahan ng Congregation of the Causes of Saints ang ‘positio’ kung saan nakasulat ang buhay, mga gawa at mabuting halimbawa ng namayapang arsobispo noong namumuhay pa ito sa arkidiyosesis.

Inaasahang sa pagpupulong ng mga theologians ay irirekomenda ng College of Cardinals kay Pope Francis upang maitalagang ‘Venerable’ si Archbishop Camomot.

Kung maitalagang ‘Venerable’ si Archbishop Camomot, kinakailangan ng isang himala na may kaugnayan sa namayapang arsobispo upang makapagsimula naman sa ‘beatification process’.

Paalala naman ni Archbishop Palma sa mananampalataya na ipanalangin ang pagpapatuloy na proseso sa pagiging santo bago hingin ang tulong panalangin.

“Archbishop Palma reminds everyone, especially the lay faithful, NOT TO INVOKE YET the intentions of Archbishop Teofilo Camomot, like: “Archbishop Teofilo Camomot, pray for us,” as if he is already canonized as a saint,” ayon pa sa arkidiyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 45,197 total views

 45,197 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 77,193 total views

 77,193 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 121,985 total views

 121,985 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 145,173 total views

 145,173 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 160,572 total views

 160,572 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top