Pamamahagi ng lupa sa Agrarian Reform beneficiaries, tiniyak ng bagong kalihim ng DAR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total reads

Tiniyak ng bagong talagang kalihim ng Department of Agrarian Reform na ipagpatuloy ang mga programa ng kagawaran sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Ayon kay Agrarian Secretary Bernie Cruz mahalaga ang ‘continuity’ sa paglilingkod sa mga benepisyaryo ng DAR programs na pinasimulan ni dating DAR Secretary Bro. John Castriciones.

Binigyang diin ni Cruz na pangungunahan sa ilalim ng kanyang pamamahala ang paghhatid ng kaunlaran sa mga kanayunan at tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

“Sa ilalim ng aking liderato, dodoblehin ng ahensya ang pagsisikap na maipamigay ang mga natitirang lupa sa mga magsasakang walang lupain, ang pagkakaloob ng suportang serbisyo sa mga Agrarian Reform Beneficiaries at pagbibigay ng hustisyang panlipunan sa mga agrarian reform communities,” pahayag ni Cruz.

November 8 nang pormal na isinalin ni Castriciones ang pamumuno ng DAR kay Cruz sa seremonyang ginanap sa DAR Central Office sa Quezon City na sinaksihan ng mga kawani ng kagawaran.

Sa mensahe ni Castriciones pinasalamatan nito ang mga kawani ng DAR na katuwang sa pamumuno sa nakalipas na halos limang taon mula ng italaga ng Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Habilin ng dating kalihim kay Cruz ang pagpapatuloy sa mga nasimulang proyekto lalo’t halos pitong buwan na lamang ang nalalabi ng kasalukuyang administrasyon.

Si Cruz ay dating undersecretary ng foreign assisted at special projects office ng DAR bago italagang kalihim.

Malaki ang papel ng tanggapan ni Cruz sa pag apruba ng World Bank sa Support to Parcelization of Land to Individual Title o SPLIT project ng DAR na layong mabigyan ng kanya-kanyang titulo ng lupa ang mahigit isang milyong ARB na sakop ng collective certificates of land ownership award (CCLOA).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 43,699 total reads

 43,699 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 80,488 total reads

 80,488 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 113,911 total reads

 113,911 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 165,303 total reads

 165,303 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 226,931 total reads

 226,931 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top