Administrasyong Duterte, hinamong tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Yolanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Hinamon ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pamahalaan na gampanan ang kanilang mga tungkulin para sa bayan lalo’t higit sa mga lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda, walong taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Bishop Bagafaro, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, karamihan sa mga biktima ng Bagyong Yolanda ang patuloy pa ring naghihirap at umaasa ng tulong mula sa pamahalaan na nangakong tutulungan ang mga ito.

“Sana naman ay gampanan nila ang kanilang mga pangakong binigay at ipakita nila ang serbisyo na karapat-dapat at ipakita nila ang kanilang katapatan [sa] mga pangakong binitawan nila na maiahon ang ating mga kababayan sa mga isla at lugar na kung saan ay naging biktima ng Typhoon Yolanda,” bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Samantala, kinilala naman ni Bishop Bagaforo ang iba’t ibang sektor at indibidwal na namahagi ng tulong at nag-alay ng kanilang mga buhay upang higit na matulungan ang mga kababayang patuloy na naghihirap dulot ng naganap na sakuna.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo na patunay lamang ito na kayang gampanan at harapin ng lahat ang anumang hamon sa buhay basta’t mayroong pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa.

“Kinikilala natin ang kanilang mga heroic virtues ang ating mga bagong bayani na ipinakita nila ang kanilang self-sacrifices at tsaka yung kanilang selfless interest na makatulong sa ating kapwa,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Nobyembre 8, 2013 nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda o Typhoon Haiyan na batay sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang unang Super Typhoon category at itinuturing na pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa at tumama sa Eastern Visayas Region kung saan umabot sa mahigit-6,000-katao ang naitalang nasawi.

Ito rin ang dahilan ng personal na pagbisita sa Pilipinas ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero 2015 upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag at awa ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 27,261 total reads

 27,260 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 111,405 total reads

 111,405 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 205,736 total reads

 205,736 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 267,422 total reads

 267,422 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 311,834 total reads

 311,834 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,370 total reads

 210,370 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top