Hapag-Asa feeding program, palalawakin pa ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,480 total reads

Umaabot na sa mahigit 26-libong mga malnourished children ang natulungan ng Hapag-Asa feeding program ng Diyosesis of Antipolo simula ng ilunsad ang inisyatibo 15-taon na ang nakakalipas.

Ito ay ayon kay Diocese of Antipolo Social Action Center Program coordinator Mona Valencia.

Iniulat din Valencia na umaabot naman aa 900 mga bata natulungan aa paglulunsad ng isa pang feeding program katuwang ang Caritas Damayan ng Caritas Manila ay umaabot narin sa 900 mga bata.

“Sa ngayon ongoing po yung Hapag-Asa integrated nutrition program natin, mayroon din tayong sa Caritas Damayan feeding program, yung sa Caritas Damayan Feeding program sa una yung Saint Lodovico Pavoni dito sa Sumulong Antipolo City, yung ating dalawa sa Binangonan yung Sacred Heart Parish, ang Saint Joseph Marello sa Antipolo, Mayroon tayong upcoming na tatlo yung sa Nuestra Señora De Los Angeles Fila-fila sa Antipolo, tapos mayroon tayong bago ito no- Our Lady of Lourdes Quasi Parish sa Baranggay Cupang Antipolo tapos yung isa sa San Francisco of Assisi Macamot Binangonan,”pahayag ni Valencia sa Radio Veritas.

Sa pagpapatuloy naman ng mga inisyatibo upang matulungan ang mga nangangailangan ay ilulunsad rin ng Social Action Center ng Diyosesis ng Antipolo ang “Project Sunshine” na layunin namang makapag-hatid ng enerhiya sa mga bahagi ng Lalawigan ng Rizal na hanggang sa ngayon ay wala paring suplay ng kuryente.

Sa Project Sunshine ay gagamitin ang mga Solar Panels na kilala bilang malinis na mapagkukuhaan ng enerhiya upang makapag-suplay ng kuryente.

“Itutuloy ulit namin yung Solar Panel, yung Project Sunshine na installation ng solar panels sa mga lugar na walang kuryente, ito- ongoing na to, bago lang to actually wala naman kaming tina-target depende sa mga parokya na magrerequest yung mga social service coordinators na nagre-request sa amin pag may nag-request yun ang aming pinupuntahan, so open ito- kahit sino pwede basta sa Diocese ng Antipolo,” ayon pa kay Valencia.

Sa mga nais namang magpaabot ng tulong ay maaring makipag-ugnayan sa Official Facebook page ng Social Action Center of Antipolo at kay Antipolo SAC Director Father Bien Miguel.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF, ngayong 2021 ay mayroon 45-milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

kasama din sa bilang ang may 149-milyong mga batang nakakaranas ng pagkaantala sa kanilang paglaki ng dahil sa kakulangan ng pagkain.

Kaugnay nito, sa November 14 ay nakatakdang gunitain ng Simbahan sa buong mundo ang World Day of the Poor na inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco upang alalahanin ang mga mga pinakamahihirap na nakakaranas rin ng pagkagutom sa buong mundo.

Sa Pilipinas ay nakatakdang ring gunitain ang ika-limang World day of the poor kung saan sa November 15 ay magdaraos ng Banal na Misa ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral bilang pag-gunita sa inisyatibo ng Santo papa

Inihayag naman ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Fr.Anton CT Pascual ang pamamahagi ng pagkain, pang-puhunan at mga Gift Certificate sa mga labis na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 28,641 total reads

 28,641 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 112,708 total reads

 112,708 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 207,039 total reads

 207,039 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 268,725 total reads

 268,725 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 313,066 total reads

 313,066 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top