Ang mga Mangingisda ng Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 877 total reads

Kapanalig, ang sitwasyon  ng mga mangingisda nitong panahon ng pandemya ay hindi natin nabigyan ng sapat na atensyon. Hindi natin nakamusta ang mga small-scale fishermen na matagal nang nasa bulnerableng laylayan ng ating lipunan.

Ang mga maliit na mangingisda ay karaniwang pangalawa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bansa. Base sa datos ng Philippine Statistics Authorithy (2015), nasa 34%  ang poverty incidence sa kanilang hanay.

Kasama rin sila sa naapektuhan ng pandemya. Naabala din sila ng mga mobility restrictions. Baka iniisip natin na sa karagatan, mas ligtas naman sa pandemya dahil open air. Kaya lamang kapanalig, hindi lamang sa pangunguha ng isda sa dagat nagtatapos ang kanilang trabaho. Kailangan din nila ibenta ito.  Kung mahigpit ang quarantine, apektado din ang kanilang merkado. Mas dehado syempre dito ang mga mali-liit na mangis]ngisda, na minsan, sila pa mismo ang kailangang maglako ng sariling huli.

Ang pandemya ay isa lamang sa kanilang mga hamong kailangang harapin. Andyan na dati pa ang mga banta sa kanilang pinagkakakitaan, gaya ng mas madalas na kawalan ng huli, climate change, at siyempre, ang kaliitan ng kanilang kita.

Ayon sa opisyal na datos, ang volume o dami ng mga huli ng mga mangingisda  sa ating bayan, komersyal man o maliitan, ay pababa na ng pababa. Tinatayang nasa limang kilo na lang ang huli ng mga maliliit na mangingisda kada araw, kumpara sa 50 kilos kada araw noong 1970s at 1980s. Overfished na rin kasi ang ating mga karagatan.

Ang climate change din kapanalig, ay malaki ang epekto sa buhay ng mga mangingisda. Ayon nga sa Food and Agriculture Organization (FAO), kapag tumaas ng 2 degrees ang temperatura ng mundo, halos 24% ang ibaba ng maximum catch potential o huli ng mga isda dito sa ating bayan pagdating ng 2050. Ang limang kilong huli ngayon kada araw, mababawasan pa. Paano na lamang ang mga ordinaryong mangingisda?

Kapanalig, kailangan ng protesyon ng ating mga maliliit na mangingisda. Ang kanilang kabuhayan ay nanganganib. Kailangan nating masiguro na resilient at matibay ang kanilang sektor. Nakasalalay dito hindi lamang ang kanilang pamilya, kapanalig, kundi ang sapat na food supply din ng ating bansa. Paalala ng Laudato Si, bahagi ng Catholic Social Teachings, na kailangan nating magbigay ng higit na atensyon sa pangangailangan ng dukha, ng mahina, at ng bulnerable, lalo pa’t lagi silang naiipit at nauungusan ng interes ng mga may kapangyarihan ngayon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 27,640 total reads

 27,640 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 89,334 total reads

 89,334 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 135,033 total reads

 135,033 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 236,300 total reads

 236,300 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 304,736 total reads

 304,736 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Battered woman syndrome

 27,641 total reads

 27,641 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 89,335 total reads

 89,335 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 135,034 total reads

 135,034 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 236,301 total reads

 236,301 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »
Scroll to Top