Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan at pamahalaan, sinusukat sa pananaw ng mahihirap

SHARE THE TRUTH

 844 total views

Inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang pakikiisa sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa “World Day of the Poor” ngayong araw ika-14 ng Nobyembre.

Ayon kay Fr. Pascual,tunay na pinahahalagahan ng Simbahang Katolika ang mga mahihirap sapagkat ito ang itinuturing na ‘Church of the Poor’ kaya nakatuon ang mga programa nito sa pagtulong at pag-agapay sa mga mahihirap.

Naniniwala ang Pari na ito rin ay hamon sa mga nasa pamahalaan na itutok ang kanilang mga programa at plataporma batay sa panaghoy ng mga dukha na bumubuo sa malaking bahagi ng populasyon sa Pilipinas.

“Dapat lahat ng ginagawa ng Simbahan at pamahalaan ay sumusukat sa pananaw ng mahihirap. Bakit? Sapagkat ang Simbahan sa Pilipinas ay ‘Church of the Poor’ at ang mayorya ng mga Pilipino ay dukha. Sabi nga ni Hesus sa Matthew 25: Anuman ang gawin ninyo sa pinaka aba ay ginawa ninyo sa akin” mensahe ni Fr. Pascual.

Magugunitang ang Simbahang Katolika sa Pilipinas ay naging aktibo sa pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang Caritas Manila na siyang social arm ng Arkidiyosesis ng Manila at pinamumunuan ni Fr. Pascual ay nakapagtala na ng mahigit sa P385 milyong piso na halaga ng tulong sa mga ‘ultra poor families’ sa loob at labas ng Metro Manila.

Tinatayang nasa 1.4 milyong indibidwal o mahigit sa 245,000 pamilya ang nabiyayaan ng Caritas Manila ng mga gift certificates sa Luzon, Visayas at Mindanao bago pa man magtapos ang huling bahagi ng taong kasalukuyan.

Unang nagpahayag ng imbitasyon ng pakikiisa ang Commission on Social Services and Development ng Archdiocese of Manila para sa pagdiriwang ng banal na misa para sa World day of the Poor.

Ang misa ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Immaculate Conception Cathedral, Intramuros Manila ganap na alas-dose ng tanghali, araw ng lunes ika-15 ng Nobyembre.

Batay sa datos ng tinatayang nasa 17.6 Million indibidwal sa Pilipinas ang nabubuhay sa tinatawag na ‘below poverty line’ habang nasa 64% ng mga pamilya sa Pilipinas ang nakakaranas ng suliranin sa pagkakaroon ng sapat na pagkain.

Ang World day of the Poor ay unang inilunsad ni Pope Francis noong taong 2017 sa Vatican.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,494 total views

 73,494 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,489 total views

 105,489 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,281 total views

 150,281 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,228 total views

 173,228 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,626 total views

 188,626 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 720 total views

 720 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,781 total views

 11,781 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 47,634 total views

 47,634 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 60,927 total views

 60,927 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top