Labanan ang anumang uri ng pananamantala sa mga dukha.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total views

Ito ang mensahe ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa paggunita ng World Day of the Poor ngayong taon.

Ayon kay Cardinal Advincula, lahat ng tao ay dukha sapagkat walang sinuman ang nagtataglay ng lahat maliban kay Hesus.

Hinimok ni Cardinal Advincula sa mamamayan na magkaisang labanan ang mga indibidwal na nagsusulong ng sariling interes gamit ang karukhaan ng kapwa.

“Sa ating paggunita ng World Day of the Poor, labanan natin ang anumang puwersya at istruktura ng pang-aapi, pagsasamantala, at paggamit sa mga dukha upang isulong ang kanilang makasariling interes at kapakanan,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Iginiit ng punong pastol ng Arkidiyosesis na ang pagdiriwang ng araw ng mga dukha ay magandang paalala sa bawat isa na lahat ay may pangangailangang bukod tanging ang Panginoon ang makapagbibigay.

Sinabi ng Kardinal na hamon ito sa sangkatauhan na magtulungan bilang isang bayan ng Diyos upang kalingain ang kapwa.

“Sa pagkilala natin sa ating karukhaan, natututo tayong dumamay at magmalasakit sa ating kapwa dukha,” ani ng Cardinal.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Cardinal Advincula ang Misa para sa natatanging intensyon ng mga maralita sa Manila Cathedral nitong November 15 kasama ang iba’t ibang organisasyon ng simbahan sa pangunguna ng Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis na nangangasiwa sa mga programang kapaki-pakinabang sa mahihirap na komunidad.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual humigit kumulang sa 400 milyong pisong halaga ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng gift certificates ang naipagkaloob sa halos 300-libong pamilya na kabilang sa ‘ultra-poor families’ sa buong bansa.

Bukod pa ito sa mahigit isang bilyong pisong halaga ng gift certificates na napakinabangan ng dalawang milyong indibidwal noong 2020 sa pananalasa ng pandemya sa bansa.

Hinikayat ni Cardinal Advincula ang mamamayan na magtulungan upang maibsan ang paghihirap ng kapwa.

“Magkaisa tayo upang maiahon sa kahirapan ang ating mga kapatid at mabuhay sila ng marangal at nararapat bilang mga anak ng Diyos,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Taong 2017 nang ilunsad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang World day of the Poor sa Vatican bilang pakikiisa at pagkilala sa mga maralita sa lipunan na binibigyang halaga ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 18,411 total views

 18,411 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 142,822 total views

 142,822 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 186,010 total views

 186,010 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 266,066 total views

 266,066 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top