Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtapyas sa pondo ng NTF-ELCAC, suportado ng PEPP

SHARE THE TRUTH

 461 total views

Nagpahayag ng suporta ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) sa desisyon ng Senate Committee on Finance na bawasan ang 2022 budget ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mula sa 28 bilyong piso ay itinakda sa 4-na bilyong piso ang budget ng NTF-ELCAC upang mailaan sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa opisyal na pahayag ng PEPP na pinangungunahan nina co-chairperson Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ at Rt. Rev. Rex Reyes, Jr. na tama ang desisyon ng mga mambabatas na ilaan sa pagtugon sa krisis na dulot ng pandemya ang pondo ng NTF-ELCAC.

Ipinaliwanag ng grupo na bagamat nabawasan ay sapat pa rin ang pondong ito ng ahensya na mas nakilala sa pagpapalaganap ng kultura ng galit, karahasan at red-tagging sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa halip na sa pagsusulong ng pakikipagdalogo para sa pagkamit ng ganap na kapayapaan.

“The Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) welcomes the decision of the Senate committee on finance to cut the 2022 budget of the National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) from P28 billion to P 4 billion and reallocating the excess funds for COVID-19 response,” pahayag ng PEPP.

Ayon sa PEPP, isang kabalintunaan ang pangalan ng ahensya sapagkat sa halip na kapayapaan at ganap na pagwaksi sa armed conflicts ay nagsusulong ito ng red-tagging.

“The NTF-ELCAC has also become notorious for its rampant red-tagging. It is responsible for vilifying even church organizations, church leaders, and members,” dagdag pa ng PEPP.

Iginiit ng grupo na mapayapang pakikipag-ugnayan at pakikipagdayalogo sa mga armadong grupo ang unang hakbang para sa pagkamit ng matagal ng hinahangad na kapayapaan sa bansa.

Binigyan-diin ng PEPP na ang principled peace negotiations na susi para mawakasan ang local armed conflicts ay hindi nangangailangan ng bilyon-bilyong pondo.

“For us, the church leaders, the most viable option for a just and lasting peace is to forge a negotiated peace settlement coupled with meaningful social and economic reforms,” paliwanag ng PEPP.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,182 total views

 46,182 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,177 total views

 78,177 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,969 total views

 122,969 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,149 total views

 146,149 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,548 total views

 161,548 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 58,066 total views

 58,066 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 35,789 total views

 35,789 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 42,728 total views

 42,728 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 52,183 total views

 52,183 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top