Huwag ituring na numero ang mga dukha-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Ang mga dukha ay hindi dapat na ituring na datos o numero lamang na dapat mabawasan.

Ito ang binigyang diin ng isang opisyal ng Vatican kaugnay sa ikalimang taong paggunita ng World Day of the Poor ngayong taon.

Ayon sa Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na ang bawat isa ay tinatawagan ng Panginoon hindi upang magbilang kundi upang makiisa at damayan ang sitwasyon ng mga mahihirap sa lipunan.

Sa pagninilay ng Cardinal sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino ay binigyang diin nito na mahalagang ganap na matuklasan at maunawaan ng bawat isa ang katauhan at kalagayan ng mga dukha.

“The poor are not numbers but human beings, if we get used to talk about the poor in terms of numbers then we might lose what the Day of the Poor is really asking us to enlighten in our hearts. We need, we really need to rediscover the humanity of the poor”.pagninilay ni Cardinal Tagle

Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, bahagi ng panawagan ng Santo Papa Francisco sa bawat isa na bukod sa kahandaan na tumulong at tumugon sa mga dukha ay maging bukas ang tao na tumanggap ng pambihirang kayamanan na tinataglay ng mga mahihirap.

Paliwanag ng Cardinal bagamat salat sa maraming bagay ang mga dukha tulad ng pagkain, salapi at iba pang mga pangunahing pangangailangan ay hindi naman maitatanggi ang pambihirang karunungan at kaalaman sa buhay ng mga ito.

“The other reminder of the Holy Father is that while the poor people need a lot like basic necessities that’s why they are poor they need a lot of our assistance food, water, medicine, work. But as we attend to the need of the poor the Holy Fathers says let us also receive from the poor, the poor have riches, wealth that most of us do not posses.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Tema ng ikalimang taon na paggunita ng World Day of the Poor ang “The poor you will always have with you”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 25,715 total reads

 25,715 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 87,409 total reads

 87,409 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 133,107 total reads

 133,107 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 234,375 total reads

 234,375 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 302,955 total reads

 302,955 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top