Labanan ang anumang uri ng pananamantala sa mga dukha.

SHARE THE TRUTH

 437 total views

Ito ang mensahe ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa paggunita ng World Day of the Poor ngayong taon.

Ayon kay Cardinal Advincula, lahat ng tao ay dukha sapagkat walang sinuman ang nagtataglay ng lahat maliban kay Hesus.

Hinimok ni Cardinal Advincula sa mamamayan na magkaisang labanan ang mga indibidwal na nagsusulong ng sariling interes gamit ang karukhaan ng kapwa.

“Sa ating paggunita ng World Day of the Poor, labanan natin ang anumang puwersya at istruktura ng pang-aapi, pagsasamantala, at paggamit sa mga dukha upang isulong ang kanilang makasariling interes at kapakanan,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Iginiit ng punong pastol ng Arkidiyosesis na ang pagdiriwang ng araw ng mga dukha ay magandang paalala sa bawat isa na lahat ay may pangangailangang bukod tanging ang Panginoon ang makapagbibigay.

Sinabi ng Kardinal na hamon ito sa sangkatauhan na magtulungan bilang isang bayan ng Diyos upang kalingain ang kapwa.

“Sa pagkilala natin sa ating karukhaan, natututo tayong dumamay at magmalasakit sa ating kapwa dukha,” ani ng Cardinal.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Cardinal Advincula ang Misa para sa natatanging intensyon ng mga maralita sa Manila Cathedral nitong November 15 kasama ang iba’t ibang organisasyon ng simbahan sa pangunguna ng Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis na nangangasiwa sa mga programang kapaki-pakinabang sa mahihirap na komunidad.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual humigit kumulang sa 400 milyong pisong halaga ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng gift certificates ang naipagkaloob sa halos 300-libong pamilya na kabilang sa ‘ultra-poor families’ sa buong bansa.

Bukod pa ito sa mahigit isang bilyong pisong halaga ng gift certificates na napakinabangan ng dalawang milyong indibidwal noong 2020 sa pananalasa ng pandemya sa bansa.

Hinikayat ni Cardinal Advincula ang mamamayan na magtulungan upang maibsan ang paghihirap ng kapwa.

“Magkaisa tayo upang maiahon sa kahirapan ang ating mga kapatid at mabuhay sila ng marangal at nararapat bilang mga anak ng Diyos,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Taong 2017 nang ilunsad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang World day of the Poor sa Vatican bilang pakikiisa at pagkilala sa mga maralita sa lipunan na binibigyang halaga ng Simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 128 total views

 128 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,152 total views

 21,152 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,124 total views

 40,124 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,789 total views

 72,789 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,799 total views

 77,799 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top