Ang pagbili ng boto ay marka ng demonyo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 826 total reads

Ito ang pangangaral ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang official Facebook page na Socrates B. Villegas kaugnay sa nakaakdang halalan sa bansa.

Ayon sa arsobispo, ang vote buying ay marka ng demonyo kung saan tinutukso at pinipresyuhan ng mga kandidato ang pagkatao ang mga botante lalo na ang mga mahihirap kapalit ang kanilang boto tuwing halalan.

Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na ang halaga ng bawat tao ay nagmula sa Diyos at hindi matatawaran ng anumang halaga na iniaalok ng mga kandidato tuwing halalan.

“Ang halaga ng tao ay galing sa Diyos. Marka Diyos ang bawat tao. Kamukha ng Diyos. Mahal ng Diyos. Iniligtas ng Diyos. Marka demonyo ang vote buying. Pinepresyohan ng vote buyer ang pagkatao ng botante. Mas grabe ang vote buyer marka ng demonyo kapag ang pinepresyohan at tinutukso ay ang mahihirap.” pahayag ni Archbishop Villegas.

Ipinaalala ni Archbishop Villegas na ang pagbili ng boto ng mga kandidato ay isang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala sa dangal ng boto.

Giit ng arsobispo ang vote buying ay isang kasalanan sa Diyos at sa bayan kung saan bukod sa mayroon itong marka ng demonyo ay isa rin itong marka ng pagiging traydor sa bayan.

“Anumang gawin natin sa dukha ay kay Jesus ginagawa. Ang boto ay dangal. Kapag malaya ang desisyon sa pagboto, ang dangal ay nagiging dasal sa Diyos. Kapag ni-rape ang dangal ng boto at pinresyohan, ang politiko ay nagiging Diyus-diyosan at ang botante ay sumasamba bilang mga tanga-hanga, mas mababa pa sa tagahanga. May marka demonyo ang vote buying. Kasalanan sa Diyos. May marka traydor sa bayan ang vote buying. Kasalanan sa bayan.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Binigyan diin ng Arsobispo na ang pagbili ng mga kandidato ng boto ng mga botante tuwing halalan ay isang uri ng katiwalian na kinakailangang maiwaksi.

Hinimok ni Archbishop Villegas ang mga botante na manindigan laban sa anumang uri ng katiwalian sa halalan.

Partikular na tinukoy ni Archbishop Villegas ang tinuran ng Santo Papa Francisco na hindi matitigil ang kurapsyon at katiwalian sa lipunan kung mananahimik lamang ang taumbayan at hindi magsasalita.

Patuloy ang panawagan ng Simbahan sa may 63-milyong botante para sa pagpapairal ng One Godly Vote sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 869 total reads

 869 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,472 total reads

 51,472 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,838 total reads

 136,838 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,574 total reads

 183,574 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,445 total reads

 231,445 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 332,933 total reads

 332,933 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top