Giyera laban sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

 142 total views

Mga Kapanalig, dahil sa blind item ng pinakamataas na pinuno ng ating bayan, lumutang ang mga haka-haka kung sino ang kumakandidato sa pagkapangulo ang gumagamit ng cocaine. Gamit ang podium na may sagisag ng pangulo ng Pilipinas, sinabi ni Presidente Duterte na may isang mayamang kandidatong mahinang lider na nga, paglalarawan pa niya, gumagamit pa ng mamahaling cocaine.

Maliban sa nakadidismaya ang pagpapakalat ng malisyosong impormasyon ni Pangulong Duterte, mas nakadidismaya ang paliwanag niya kung bakit nananatiling malaya pa rin ang kandidatong pinaratangan niyang gumagamit ng droga. Alam naman natin kung gaano ipinagmamalaki ng pangulo at ng kanyang masusugid na tagasuporta ang marahas na war on drugs ng administrasyon. Napatunayan daw ng pangulong tunay na malulutas ang problema natin sa droga sa pamamagitan ng kamay na bakal.

Pero bakit nga raw malaya pa ang kandidatong inakusahan niyang gumagamit ng cocaine? Paliwanag ng pangulo, ang mga mayayamang gumagamit ng droga ay nasa kanilang mga yate o pribadong eroplano. Doon nila ginagawa ang kanilang mga bisyo kaya hindi nahuhuli ng mga pulis. Anong masasabi mo rito, Kapanalig?

Ano kaya ang mararamdaman ng mga may anak o magulang na walang kalaban-labang pinatay ng mga pulis o mga vigilante dahil sa pinaghihinalaan silang sangkot sa droga? Ano kaya ang mararamdaman ng mga puwersahang hinuli ng mga pulis at inilagay sa masikip na kulungan dahil sa napakaliit na halaga ng droga? Ano kaya ang mararamdaman ng mga nasa mahihirap na komunidad na nabalot ng takot dahil sa agresibong pagsugod ng mga pulis? Kung ganito ang paliwanag ng pangulo kung bakit ang mga mayayamang gumagamit ng droga ay hindi basta-basta hinuhuli, iisipin siguro ng mga mahihirap na target ng war on drugs ng administrasyon na sana ay naging mayaman din sila. Estado sa buhay naman pala ang batayan kung sinu-sino ang huhulihin at hindi, sino ang mabubuhay at sino ang papatayin.

Kung inyong matatandaan, naging laman din ng mga balita ang anak ng isang prominenteng business tycoon na na-dismiss ang kasong drug posession. Cocaine din ang natagpuan sa kanyang kuwarto kung saan natagpuang patay ang kanyang kasintahan. Hinuli ng mga pulis ang lalaki ngunit iniutos ng korteng palayain siya dahil hindi raw nasunod ng mga pulis ang tamang paraan ng pagmamarka at pagtitipon ng nakumpiskang droga.

Malinaw na malinaw: ang giyera laban sa droga ay giyera laban sa mahihirap. Sa mahigit anim na libong napatay sa mga operasyon ng mga pulis, hindi kakaunti ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad. Hindi pa rito kasama ang mga biktimang pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek, na ang ilan ay sinasabing konektado rin sa mga pulis. Tinatayang nasa 27,000 hanggang 30,000 ang mga biktimang ito.

Hindi natin sinasabing dapat ding patayin ang mga mayayamang gumagamit ng droga. Mayaman o mahirap, lahat ay may dignidad at sagradong buhay na dapat igalang at pakaingatan. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, binigyang-diin ni Pope John XXIII na bagamat ang pangunahing layunin ng pamahalaan ay ang pagkamit sa kabutihang panlahat, hinihiling ng prinsipyo ng katarungang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mahihirap. Ito ay dahil salat sila sa kakayanang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at igiit ang mga nararapat para sa kanila bilang mga mamamayan. At wika nga sa Mateo 25:40, ang anumang ginagawa natin sa mahihirap ay para na rin nating ginagawa kay Hesus.

Mga Kapanalig, sa giyera ng pamahalaan kontra droga, hindi na nga nabibigyan ang mahihirap ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili, sila pa ang pinakamabilis na pinapatay. Sa giyerang ito, dehadong-dehado ang mahihirap, at ito ay isyu ng kawalang-katarungang mas nagpapaigting ng ating mga suliranin bilang isang bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 31,526 total views

 31,526 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 36,944 total views

 36,944 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 43,651 total views

 43,651 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 58,446 total views

 58,446 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 64,602 total views

 64,602 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 31,527 total views

 31,527 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 36,945 total views

 36,945 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 43,652 total views

 43,652 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 58,447 total views

 58,447 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 64,603 total views

 64,603 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,332 total views

 40,332 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,916 total views

 50,916 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,133 total views

 59,133 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,366 total views

 43,366 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,342 total views

 49,342 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,435 total views

 52,435 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,140 total views

 42,140 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,028 total views

 43,028 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,331 total views

 58,331 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,740 total views

 70,740 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top