Obispo, nanawagan sa pamahalaan na pag-aralang mabuti ang pagbabalik ng face to face classes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na pag-aralan ang desisyon na pagbabalik ng klase sa mga paaralan.

Kasunod ito ng pilot-testing ng mga limited face-to-face classes sa 28 na mga pampublikong paaralan sa Metro Manila kahapon, ika-8 ng Disyembre 2021 at 170 na mga pribado at pampublikong paaralaan sa buong Pilipinas.

Dalangin ni CBCP Episcopal commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) Chairman Bayombong Bishop Elmer Mangalinao ang pagkakaroon ng sapat na pag-aaral at pagninilay ng mga itinalagang opisyal ng pamahalaaan sa hakbang para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

“Dalangin ko lang na napakalalim sana at napakalawak na pag-iisip, pagninilay na ginawa para ibukas ang mga paaralan para sa ating mga kabataan, talagang it is a broad step coming from the government,” ayon sa panayam ng Obispo sa Veritas.

Pinangangambahan naman ni Bishop Mangalinao ang banta ng COVID-19 OMICRON VARIANT sa mga mag-aaral kaya’t nanawagan ito ng mahinahong desisyon sa face-to-face classes.

Inihayag ng Department of Education na ngayong Disyembre ay magsusumite ang mga paaralan kung saan idadaos ang mga klase na siyang isusumite sa Office of the President.

“Bago sana magdagdag tutal magbabakasyon, tingnan muna kung ano ang magiging bunga nito sa pinayagan na magbukas ng face-to-face classes” pahayag ng Obispo

Umaasa rin si Bishop Mangalinao na nawa’y ang bawat estudyante na nakikiisa sa pilot face-to-face testing ay pawang mga nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19.

Apela rin ng Obispo ang paghihintay sa mga kakalabasang bunga ng inisyatibo ng gobyerno upang maging handa sa paglulunsad ng mga kaparehong hakbang.

“Lahat sana sila ay mayroon ng [bakuna], so para sa akin hindi muna dapat dagdag ang bilang ng mga face-to-face module, sa halip ay bigyan muna ng karampatang araw o buwan para makita kung ano ang magiging bunga nito, it is better to be a much prepared than be sorry later on,” ani Bishop Mangalinao.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 14,845 total reads

 14,845 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 34,104 total reads

 34,104 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 136,327 total reads

 136,327 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 176,885 total reads

 176,885 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 197,339 total reads

 197,339 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 244,830 total reads

 244,830 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top