Mga simbahan sa Visayas at Mindanao, bukas sa mga evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total views

Tiniyak ng mga Kaparian sa Visayas at Mindanao na bubuksan ang kanilang mga Simbahan para sa mga kinakailangan magsilikas dahil sa epekto ng bagyong Odette.

Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Center ng Diocese of Surigao, pinaghahandaan na nila ang pagtama sa kanila ng bagyo kaya naman bubuksan nila ang lahat ng kanilang mga parokya at pasilidad para sa mga nais magsilikas.

Pinaalalahan din nila ang mga Kura Paroko na agad magpadala ng ulat kung mayroong mga residente na mangangailangan ng agarang pagtulong.

“Instruction natin na ipagamit ang mga facilities ng mga parokya sakaling kailangan na additional evacuation center lalo na kung may request from the LGU’s. Yun mga Parish Priest at mga point peson tinawagan na natin para mag –report agad sila if may makita sila na kailangan ng tulong sa lugar nila.” Mensahe ni Fr. Ilogon sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, nagpulong na din ang mga kaparian sa Archdiocese of Cagayan De Oro upang mapaghandaan ang mga posibleng pagbaha at paglikas.

Ayon kay Rev. Fr. Bong Galas, Social Action Director ng nasabing Arkidiyosesis kasalukuyan na silang nakakaranas ng mga pag-ulan sa lalawigan dahilan upang magdeklara na ang ilang mga sektor ng kanselasyon ng pasok sa mga tanggapan.

Dalangin ni Fr. Galas na huwag nang magdulot ng matinding pinsala ang bagyong Odette lalo na’t may takot na ang kanilang mga kababayan dahil sa karanasan noon sa bagyong Sendong noong 2011 at Bagyong Pablo noong 2012.

“Sana hindi na maging grabe ang impact ni Odette kasi may phobia na din ang mga tao lalo na dito sa amin dumaan kami sa Sendong at konti doon sa Pablo then yun dalawang pagbaha pa noon kaya pag sinabi na may bagyo natataranta na din ang mga tao.”

Inihayag ng Pari na nakahanda din silang tumanggap ng mga evacuees sa mga lugar na kinakailangan ng paglikas.

“It’s been our practice po na kapag may bagyo ang mga Simbahan natin available po at yun mga centers natin welcome ang mga [need] mag-shelter” pagtitiyak pa ni Fr. Galas.

Batay sa huling update ng PAGASA, natagpuan ang sentro ng bagyong Odette sa layong 590 kilometro silangan ng Hinatuan Surigao Del Sur habang binabaybay ang direksyon pa kanluran sa bilis na 20 kilimetro kada oras.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 150 kilometro kada oras.

Patuloy na hinihikayat ng mga kaparian mula sa mga Diyosesis na maapektuhan ng bagyo ang mga mananampalataya na manalangin at magdasal para sa kaligtasan ng lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 19,697 total views

 19,697 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 70,381 total views

 70,381 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 76,510 total views

 76,510 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 105,963 total views

 105,963 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 123,712 total views

 123,712 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 81,900 total views

 81,900 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top