Saan pumupunta ang buwis mo?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,756 total views

Nakapahalaga ng buwis para sa kahit anong bayan, saan mang panig ng mundo. Ang buwis ay pundamental sa pagtataguyod ng bansa. Ito ay simbolo ng ating commitment at ambag sa kasulungan o development ng ating bayan.

Ang ating buwis ay ginagamit ng pamahalaan upang pondohan ang mga investments ng bayan sa human capital, sa pagpapagawa ng mga imprastruktura ng bayan, at mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Kung maliit lamang ang nakokolektang buwis ng bayan, bitin ang mga serbisyo nito.

Sa ating bansa, maraming mga hamon sa pagbabayad ng buwis, pati na rin sa koleksyon ng buwis. Sa pagbabayad, siyempre, marami ang nagrereklamo sa taas ng binabayad, marami rin ang hirap at hindi alam ang proseso, at marami rin ang nanawagan para sa fair and equitable taxation. Siyempre, hindi dapat parehas ang pataw ng buwis sa halos walang kita o maliit ang kita sa mga mayayaman o kumpanyang malalaki ang kita. Sa koleksyon naman, marami ring hamon, gaya ng pagpalya ng mga indibidwal at mga negosyo sa pagbayad ng buwis, at mga kaso ng tax evasion at tax cheating.

Marami mang hamon sa pagbabayad at koleksyon ng buwis, mas marami namang natatakot na hindi maayos na magagamit ang binabayad nating buwis. Ayon nga sa isang speech ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos noong Agosto 2019, maaring nawalan ang gobyerno ng halos P1.4 trillion dahil sa korupsyon noong 2017 at 2018. Ang perang ito, anya, ay maaring nagamit sana para sa pabahay ng maraming mamamayan o para sa medical o educational assistance.

Kapanalig, kailangan nating bantayan ang ating buwis. Kailangan natin masigurado na tunay na napupunta sa bayan ang mga buwis na pinaghihirapan nating lahat. Kailangan din na makita nating lahat na ang mga pampublikong serbisyo at mga imprastraktura ay hindi regalo mula sa mga pinuno ng bayan, mapa-lokal  man o nasyonal. Ang mga ito ay mula sa kolektibo nating pinaghirapan at binuo – ang buwis.

Ang buwis na ating binabayad sa pamahalaan ay dapat bumalik sa atin sa pamamagitan ng mga serbisyo, imprastraktura, at pro-poor na pamumuhunan o investments. Paalala nga ng Rerum Novarum, kapanalig, “The foremost duty, therefore, of the rulers of the State should be to make sure that the laws and institutions, the general character and administration of the country, shall be such as of themselves to realize public well-being and private prosperity.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,213 total views

 22,213 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 72,897 total views

 72,897 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,026 total views

 79,026 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 108,428 total views

 108,428 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 125,970 total views

 125,970 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,214 total views

 22,214 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 72,898 total views

 72,898 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,027 total views

 79,027 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 108,429 total views

 108,429 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »
Scroll to Top