Riot sa New Bilibid Prison, pinagdudahan ng Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total views

Malaking palaisipan sa program coordinator ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry kung paano nakalusot at nakakapasok sa New Bilibid Prison ang droga gayong napakahigpit ng seguridad na ipinapatupad ng PNP Special Action Force.

Dahil dito, nanawagan si Sister Zeny Cabrera ng masusing imbestigasyon sa naganap na riot sa building 14 ng New Building Prison na ikinamatay ng isang high-risk inmate at ikinasugat ng apat pang convicted criminal.

Iginiit ng Madre na dapat ipaliwanag ng mga opisyal ng Bureau of Correction, Philippine National Police at Department of Justice sa publiko kung paano nakalusot o nakapasok sa pambansang piitan ang droga na sinasabi nilang pinagmulan ng riot.

“Kahit na mahigpit ang security, bakit nakakalusot pa yang mga droga nayan? Bakit nakakalusot pa? Ang tanong, anong klaseng security meron tayo sa loob ng New Bilibid – Building 14 where the high-risk criminal ay nakalagak? Bakit nagkaroon pa ng issue na may mga nagpa-pot session at doon nagsimula yung gulo,” mga katangungan ni sister Cabrera sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit din ng Madre na sa kabila ng pagiging makasalanan ng mga kriminal na ito ay nananatili pa rin ang kanilang pagiging kawangis ng Diyos, kaya’t marapat lamang na tulungan at gabayan sila upang muling makapagbagong buhay.

“Bagamat sila’y nakakulong let us not forget that they are part of the human society, they are part families every prisoners is a family, every prisoners is a person hindi dapat sila tingnan as para na lang inilagak doon, para ba silang outside our world. Dapat silang tulungan at pangalagaan, yung kanilang dignidad bilang kalarawan, kamukha ng Diyos ay hindi nawawala sa kanila, ”pahayag Madre.

Samantala, nauna nang ipinaubaya ng Bureau of Corrections sa PNP- Crime Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng riot na ikinasawi ng high-profile prisoner na si Tony Co at ikinasugat naman nina Jaybee Sebastian at Peter Co na kapwa inaasahang titestigo sa isinasagawang pagdinig sa Kongreso sa patuloy na illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa tala, mahigit sa 400 PNP-SAF troopers ang nagbabantay sa loob ng NBP kung saan nauna ng umapela si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa PNP na palawigin pa ng 3-buwan ang pagbabantay upang tuluyang maisaayos at malinis mula sa ilegal na gawaing nagaganap sa loob ng pambansang piitan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 63,662 total views

 63,662 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 86,814 total views

 86,814 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 156,928 total views

 156,928 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 231,542 total views

 231,542 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 307,056 total views

 307,056 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 8,503 total views

 8,503 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top